13Ang puso ay maaaring tumawa ngunit nananatiling nasasaktan, at ang kagalakan ay maaaring magtapos sa kapighatian.
14Ang hindi tapat ay makukuha kung ano ang karapat-dapat sa kaniyang pamumuhay, ngunit ang taong mabuti ay makukuha kung ano ang kaniya.
15Ang hindi naturuan ay naniniwala sa lahat ng bagay, ngunit ang taong maingat, iniisip ang kaniyang mga hakbang.
16Ang marunong ay may takot at lumalayo mula sa kasamaan, ngunit ang hangal ay panatag na hindi pinapansin ang babala.
17Ang isang madaling magalit ay nakagagawa ng mga kahangalan, at ang tao na gumagawa ng masasamang pamamaraan ay kinamumuhian.
18Ang mga taong hindi naturuan ay magmamana ng kahangalan, ngunit ang taong maingat ay napapaligiran ng kaalaman.
19Ang mga masasama ay yuyuko sa harap ng mabubuti, at ang mga masama ay luluhod sa tarangkahan ng mga matuwid.
20Ang mahihirap ay kinamumuhian kahit ng kaniyang sariling mga kasamahan, ngunit ang mga mayayaman ay maraming kaibigan.
21Ang isang nagpapakita ng paghamak sa kaniyang kapwa ay nagkakasala, ngunit ang isang nagpapakita ng kagandahang-loob para sa mahirap ay masaya.