Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 11

Mga Kawikaan 11:11-21

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
11Sa pamamagitan ng mabubuting mga kaloob ng mga nakalulugod sa Diyos, ang lungsod ay magiging tanyag; sa bibig ng mga masasama, ang lungsod ay mawawasak.
12Ang taong may paghamak sa kaniyang kaibigan ay walang ulirat, pero ang isang may pang-unawa ay tumatahimik.
13Sinumang tao na patuloy na naninirang puri ay nagbubunyag ng mga lihim, ngunit ang isang taong tapat ay laging iniingatang pagtakpan ang isang bagay.
14Kung saan walang matalinong direksiyon, ang isang bansa ay bumabagsak, pero ang tagumpay ay dumarating sa pagsangguni sa maraming tagapayo.
15Sinumang mananagot sa utang ng isang hindi niya kilala ay tiyak na mapapahamak, pero ang isa na siyang kinapopootang magbigay ng isang garantiya sa ganiyang uri ng pangako ay ligtas.
16Makakamit ng isang mahabaging babae ang karangalan ngunit ang mga taong walang habag ay mahigpit na kakapit para sa kayamanan.
17Ang isang mabait na tao ay makikinabang sa kanyang sarili, pero ang isang taong malupit ay sinasaktan ang kaniyang sarili.
18Ang taong masama ay nagsisinungaling para makuha ang kaniyang kabayaran, pero ang isang nagtatanim ng kung ano ang tama ay mag-aani ng kabayaran ng katotohanan.
19Ang isang taong tapat na gumagawa kung ano ang tama ay mabubuhay, pero ang isa na humahabol sa masama ay mamamatay.
20Si Yahweh ay napopoot sa mga pusong tiwali, pero siya ay nagagalak sa kanila na kung saan ang pamamaraan ay walang kapintasan.
21Maging tiyak dito—ang mga taong masama ay hindi maaaring hindi maparusahan, pero ang mga kaapu-apuhan ng mga gumagawa ng tama ay mananatiling ligtas.

Read Mga Kawikaan 11Mga Kawikaan 11
Compare Mga Kawikaan 11:11-21Mga Kawikaan 11:11-21