6Ang mga kaloob mula sa Diyos ay nasa isipan ng mga gumagawa ng tama, ngunit ang bibig ng masama ay pinagtatakpan ang karahasan.
7Ang taong gumagawa ng tama ay natutuwa tuwing siya ay ating naiisip ang tungkol sa kaniya, ngunit ang pangalan ng masama ay mabubulok.
8Silang mga maunawain ay tumatanggap ng mga utos, ngunit ang isang madaldal na hangal ay mapapahamak.
9Ang siyang lumalakad sa katapatan ay lumalakad sa kaligtasan, subalit ang isa na gumagawa ng kabuktutan, siya ay malalantad.
10Siya na kumikindat ang mata ay nagdudulot ng kalungkutan, ngunit ang isang madaldal na hangal ay masisira.
11Ang bibig ng gumagawa ng tama ay isang bukal ng buhay, ngunit ang bibig ng masama ay nagtatago ng karahasan.
12Ang galit ay nagpapasimula ng mga kaguluhan, subalit ang pag-ibig ay matatakpan ang lahat ng pagkakasala.