Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 19

Mga Hukom 19:17-25

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
17Tumingin siya at nakita ang manlalakbay sa plasa ng lungsod. Sinabi ng matandang lalaki, “Saan ka pupunta? Saan ka nanggaling?”
18Sinabi ng Levita sa kaniya, “Kami ay naglalakbay mula sa Bethlehem sa Juda patungo sa pinakamalayong bahagi ng burol na bansa ng Efraim, na kung saan ako nagmula. Pumunta ako sa Bethlehem sa Juda, at papunta ako sa bahay ni Yahweh, pero wala ni isang magdadala sa akin sa kaniyang bahay.
19Mayroon kaming dayami at pakain para sa aming mga asno, at mayroong tinapay at alak para sa akin at sa iyong babaeng lingkod dito, at para sa binatang ito na kasama ng iyong mga lingkod. Wala kaming kakulangan.”
20Binati sila ng matandang lalaki, “Sumainyo ang kapayapaan! Ako ang bahala sa lahat ng inyong mga pangangailangan. Huwag lamang magpalipas ng gabi sa plasa.”
21Kaya dinala ng lalaki ang Levita sa kaniyang bahay at nagbigay ng pakain para sa mga asno. Hinugasan nila ang kanilang mga paa at kumain at uminom.
22Nagsasaya sila, nang ang mga kalalakihan sa lungsod, masasamang lalaki, ay pinalibutan ang bahay, hinahampas ang pinto. Nakipag-usap sila sa matandang lalaki, ang amo ng bahay, at sinabing, “Palabasin ang lalaking dumating sa iyong bahay, para makilala namin siya.”
23Ang lalaki, ang amo ng bahay, lumabas at sinabi sa kanila, “Huwag, mga kapatid ko, pakiusap huwag gawin ang masamang bagay na ito! Sapagka't bisita sa aking bahay ang lalaking ito, huwag gawin ang masamang bagay na ito!
24Tingnan ninyo, narito ang aking birheng anak na babae at ang isa pang asawa. Hayaang ilabas ko sila ngayon. Lapastanganin sila at gawin sa kanila ang anumang nais ninyo. Pero huwag gumawa ng masamang bagay sa lalaking ito!”
25Pero ayaw makinig sa kaniya ng mga kalalakihan, kaya kinuha ng lalaki ang kaniyang isa pang asawa at inilabas siya sa kanila. Kinuha siya nila, ginahasa siya, at inabuso siya nang buong magdamag, at hinayaan nila siyang umalis ng madaling araw.

Read Mga Hukom 19Mga Hukom 19
Compare Mga Hukom 19:17-25Mga Hukom 19:17-25