Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 2

Mga Gawa 2:1-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Nang sumapit ang araw ng Pentecostes, lahat sila ay sama-sama sa iisang lugar.
2Bigla na lamang may tunog mula sa langit na tila humahagibis na hangin, at napuno nito ang buong bahay kung saan sila nakaupo.
3Doon ay nagpakita sa kanila ang tulad ng dilang apoy na napamahagi at dumapo sa bawat isa sa kanila.
4Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu at nagsimula silang magsalita sa iba't ibang wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu sa kanila na sabihin.
5Ngayon may mga Judiong naninirahan sa Jerusalem, mga maka-diyos na tao, galing sa bawat bansa sa ilalim ng langit.
6Nang marinig ang tunog na ito, nagpuntahan ang maraming tao at nalito sapagkat narinig nang lahat na nagsasalita sila sa kanilang sariling wika.
7Nagtaka sila at labis na namangha; sinabi nila, “Totoo ba, hindi ba at ang lahat ng mga nagsasalitang ito ay mga taga-Galilea?
8Bakit kaya naririnig natin sila, bawat isa sa ating sariling wika na ating kinalakihan?
9Mga taga- Partia, taga-Media at mga taga- Elam, at sa mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at Capadocia, sa Ponto at sa Asya,

Read Mga Gawa 2Mga Gawa 2
Compare Mga Gawa 2:1-9Mga Gawa 2:1-9