Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 24

Mga Gawa 24:6-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
6Sinubukan pa niyang lapastanganin ang templo; kaya namin siya hinuli. (At gusto pa namin siyang hatulan ayon sa aming batas.)
7(“Ngunit si Lisias na opisyal ay dumating at sapilitan siyang kinuha sa aming mga kamay.”)
8Kung tatanungin ninyo si Pablo tungkol sa lahat ng mga bagay na ito, maging ikaw din, malalaman mo ang mga paratang namin sa kaniya.”
9Sama-sama ding pinaratangan ng mga Judio si Pablo, at sinabi na ang lahat ng mga bagay na ito ay totoo.
10Ngunit nang sumenyas ang gobernador upang magsalita si Pablo, sumagot si Pablo, “Nauunawaan ko na sa maraming taon ay naging hukom ka sa bansang ito, kaya ikinagagalak kong ipaliwanag ang aking sarili sa iyo.
11Mapapatunayan mo na hindi pa aabot sa labindalawang araw mula ng ako ay umakyat sa Jerusalem upang sumamba;
12at nang makita nila ako sa templo, hindi ako nakipagtalo kahit kaninuman, at hindi ko ginulo ang maraming tao, maging sa mga sinagoga o sa lungsod;
13at hindi nila kayang mapatunayan sa iyo ang mga reklamo nila laban sa akin ngayon.
14Subalit inaamin ko ito sa iyo, na ayon sa pamamaraan na tinatawag nilang sekta, sa pamamaraan ding iyon, naglingkod ako sa Diyos ng aming mga ninuno. Tapat ako sa lahat ng nasa batas at sa mga kasulatan ng mga Propeta.
15Ganoon din ang pagtitiwala ko sa Diyos, katulad din ng paghihintay ng mga taong ito, sa pagdating ng araw ng pagkabuhay ng mga patay ng kapwa matuwid at hindi matuwid na tao;
16at dahil dito, pinagsisikapan ko na magkaroon ng budhing walang kapintasan sa lahat ng mga bagay sa harapan ng Diyos at sa mga tao.
17Ngayon, pagkalipas ng maraming taon, ako'y dumating upang maghatid ng tulong sa aking bansa at maging sa pagkaloob ng mga pera.
18Nang ginawa ko ito, may ilang mga Judio na taga-Asia ang nakakita sa akin na nagsasagawa ng seremonyang paglilinis sa templo, na walang maraming tao at walang kaguluhan.
19Ang mga taong ito ay dapat na narito sa harapan ninyo at sabihin kung ano ang mayroon sila laban sa akin, kung mayroon man.
20O kaya, ang mga tao ding ito ay dapat magsabi kung ano ang kanilang natagpuang kamalian na ginawa ko nang tumayo ako sa konseho ng mga Judio;
21maliban kung ito ay patungkol sa isang bagay na pasigaw kong sinabi ng tumayo ako sa gitna nila, 'Ito ay patungkol sa pagkabuhay ng mga patay na inyong inihatol ngayon sa akin.”'
22Ganap ang kaalaman ni Felix patungkol sa Daan, kaya pinaghintay niya ang mga Judio. Sinabi niya, “Pagpapasiyahan ko ang iyong kaso kapag bumaba ang pinunong kapitan na si Lisias galing Jerusalem.”

Read Mga Gawa 24Mga Gawa 24
Compare Mga Gawa 24:6-22Mga Gawa 24:6-22