Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Gawa - Mga Gawa 19

Mga Gawa 19:1-4

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1At nangyari, na, samantalang si Apolos ay nasa Corinto, pagkatahak ni Pablo ng mga lupaing matataas ay napasa Efeso, at nakasumpong ng ilang mga alagad:
2At sa kanila'y sinabi niya, Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo'y magsisampalataya? At sinabi nila sa kaniya, Hindi, hindi man lamang namin narinig na may ibinigay na Espiritu Santo.
3At sinabi niya, Kung gayo'y sa ano kayo binautismuhan? At sinabi nila, Sa bautismo ni Juan.
4At sinabi ni Pablo, Nagbabautismo si Juan ng bautismo ng pagsisisi, na sinasabi sa bayan na sila'y magsisampalataya sa darating sa hulihan niya, sa makatuwid baga'y kay Jesus.

Read Mga Gawa 19Mga Gawa 19
Compare Mga Gawa 19:1-4Mga Gawa 19:1-4