16Pinaalis sila ni Galio sa hukuman.
17Kaya sinunggaban nila si Sostenes na pinuno ng mga sinagoga at binugbog siya sa harapan ng hukuman. Ngunit hindi pinansin ni Galio ang kanilang ginawa.
18Matapos manatili doon ni Pablo ng marami pang mga araw, iniwanan ang mga kapatid at naglayag papunta ng Siria kasama sina Priscila at Aquila. Bago siya umalis sa daungan ng Cencrea, ipinaahit niya ang kaniyang ulo dahil sa kaniyang panatang Nazaro.
19Nang dumating sila sa Efeso, iniwan niya sina Priscila at Aquila doon, ngunit siya mismo ay nagpunta sa sinagoga at nangatuwiran sa mga Judio.