32Ipinahayag nila ang salita ng Panginoon sa kaniya, kasama ang lahat sa kaniyang tahanan.
33Nang gabing iyon kinuha sila ng bantay ng bilanguan sa oras ding iyon at hinugasan ang kanilang mga sugat at siya at ang lahat ng kaniyang sambahayan ay agad na nabautismuhan.
34Dinala niya si Pablo at Silas sa kaniyang tahanan at naghain ng pagkain para sa kanila. Siya ay lubhang nagalak kasama ang lahat ng kaniyang sambahayan, dahil lahat sila ay nanampalataya sa Diyos.
35Nang umaga na, nagpaabot ang mga hukom ng pahayag sa mga bantay, na nagsasabing, “Hayaan na ninyong makalaya ang mga lalaking iyon.”
36Ibinalita ng bantay ang mensahe kay Pablo, na nagsasabing, “Ang mga hukom ay nagpaabot ng mensahe sa akin na kayo ay palayain na; kaya ngayon ay lumabas na kayo at humayo na may kapayapaan.”