Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 15

Mga Gawa 15:16-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
16'Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako ay babalik, at itatayo ko muli ang tolda ni David na bumagsak; aayusin ko at itatayong muli ang mga guho nito,
17upang ang mga natitirang mga kalalakihan ay hanapin ang Panginoon, kasama ang lahat na mga Gentil na tinawag sa aking pangalan.'
18Ito ang sinasabi ng Panginoon, na siyang gumawa ng mga bagay na batid sa nagdaang kapanahunan.
19Kaya, ang opinyon ko ay dapat huwag nating gambalain ang mga Gentil na nagbalik sa Diyos;
20sa halip, sulatan natin sila na dapat silang lumayo sa karumihan ng mga diyus-diyosan, mula sa sekswal na imoralidad, at mula sa mga binigti at sa dugo.
21Mula sa mga nagdaang salinhali may mga tao na nagpapahayag at nagbabasa ng katuruan ni Moises sa sinagoga tuwing Araw ng Pamamahinga”.
22Kaya't minabuti ng mga apostol at mga nakatatanda, kasama ang buong iglesia na piliin si Judas na tinatawag na Barsabas, at Silas, na mga pinuno ng iglesia upang ipadala sila sa Antioquia kasama ni Pablo at Bernabe.

Read Mga Gawa 15Mga Gawa 15
Compare Mga Gawa 15:16-22Mga Gawa 15:16-22