1May ilang mga lalaki na bumaba galing sa Judea at nagturo sa mga kapatid na nagsasabi “Maliban na kayo ay magpatuli mula sa kaugalian ni Moises, kayo ay hindi maliligtas.”
2Nang nakipagharap at nakipagtalo sa kanila sina Pablo at Bernabe, nagpasiya ang mga kapatid na sina Pablo, Bernabe, at ang ilan sa kanila ay kailangang pumunta sa Jerusalem, sa mga apostol at sa mga nakatatanda patungkol sa mga pinagtatalunan nila.
3Kaya sila, na pinadala ng iglesiya ay dumaan ng Fenicia at Samaria at ipinahayag ang pagbabalik-loob ng mga Gentil. Nagdulot sila ng lubos na kagalakan sa lahat ng kapatid.
4Nang dumating sila sa Jerusalem, sinalubong sila ng iglesia, ng mga apostol at ng nakatatanda, at ipinahayag ang lahat ng mabuting ginawa ng Diyos sa kanila.
5Ngunit ilan sa mga kalalakihan na nanampalataya, na kabilang sa pangkat ng mga Pariseo ay tumayo at nagsabi, “Kinakailangan na sila ay matuli at utusan sila na sundin ang kautusan ni Moises.”
6Kaya nagtipon ang mga apostol at nakatatanda upang pag-usapan ang bagay na ito.
7Pagkatapos ng mahabang pagtatalo, tumayo si Pedro at sinabi sa kanila “Mga kapatid, alam ninyo na hindi pa nagtatagal ay pumili ang Diyos sa inyo, na sa pamamagitan ng aking bibig kailangang marinig ng mga Gentil ang salita ng ebanghelyo, at manampalataya.
8Ang Diyos na nakakaalam ng puso ay nagpatotoo sa kanila, ibinibigay sa kanila ang Banal na Espiritu, katulad ng ginawa niya sa atin;
9at wala siyang tinangi sa atin at sa kanila, ginawa niyang malinis ang kanilang mga puso sa pamamamagitan ng pananampalataya.
10Ngayon bakit ninyo sinusubukan ang Diyos, na dapat kayong maglagay ng pamatok sa leeg ng mga alagad na kahit ang ating mga ama o maging tayo man ay hindi kayang makadala?