Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 25

Mga Bilang 25:6-17

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
6Pagkatapos, dumating ang isa sa mga lalaki ng Israel at dinala sa mga miyembro ng kaniyang pamilya ang isang babaeng Midianita. Nangyari ito sa paningin ni Moises at sa lahat ng sambayanan ng Israel, habang umiiyak sila sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
7Nang makita iyon ni Finehas na lalaking anak ni Eleazar na lalaking anak naman ni Aaron, na pari, tumayo siya mula sa sambayanan at humawak ng isang sibat.
8Sinundan niya ang lalaking Israelita sa tolda at isinaksak ang sibat sa kapwa nilang katawan, sa lalaking Israelita at sa babae. Kaya natigil ang salot na ipinadala ng Diyos sa mga tao ng Israel.
9Dalawampu't apat na libo ang bilang ng mga namatay sa pamamagitan ng salot.
10Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
11“Inalis ni Finehas na lalaking anak ni Eleazar na lalaking anak naman ni Aaron, na pari, ang aking galit sa mga tao ng Israel dahil mapusok siya sa aking adhikain sa kanila. Kaya hindi ko nilipol ang mga tao ng Israel sa aking matinding galit.
12Kaya sabihin mo, 'sabi ni Yahweh, “Tingnan mo, ibinibigay ko kay Finehas ang aking kasunduan ng kapayapaan.
13Para sa kaniya at sa kaniyang mga kaapu-apuhang kasunod niya, ito ang magiging isang kasunduan ng isang walang hanggang pagkapari dahil masigasig siya para sa akin, na kaniyang Diyos. Nagbayad siya ng kasalanan para sa mga tao ng Israel.”''
14Ngayon ang pangalan ng lalaking Israelitang napatay kasama ng babaeng Midianita ay si Zimri na anak ni Salu, isang pinuno ng isang pamilya mula sa ninuno ng mga Simeonita.
15Si Cozbi ang pangalan ng babaeng Midianitang pinatay na babaeng anak ni Zur, pangulo ng isang tribu at pamilya sa Midian.
16Kaya nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
17“Ituring mong kaaway ang mga Midianita at lusubin sila,

Read Mga Bilang 25Mga Bilang 25
Compare Mga Bilang 25:6-17Mga Bilang 25:6-17