15Sinimulan ni Balaam itong propesiya. Sinabi niya, “Magsasalita si Balaam na anak ni Beor, Ang taong mulat ang kaniyang mga mata.
16Ito ay isang propesiya ng isang taong nakaririnig ng mga salita mula sa Diyos, na may kaalaman mula sa Kataas-taasan, na may mga pangitain mula sa Makapangyarihan sa lahat, Sa harapan niya na siyang nagpatirapang mulat ang kaniyang mga mata.