Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 16

Mga Bilang 16:2-26

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Tumindig sila laban kay Moises, kasama ng ibang kalalakihan mula sa mga tao ng Israel, dalawang daan at limampung pinuno ng sambayanan na mga tanyag na kasapi sa sambayanan.
3Nagkatipon sila upang harapin sina Moises at Aaron. Sinabi nila sa kanila, “Kumukuha kayo nang labis para sa inyong mga sarili. Ang buong sambayanan ay banal, inilaan kay Yahweh, ang bawat isa sa kanila, at si Yahweh ay kasama nila. Bakit ninyo inaangat ang inyong mga sarili sa ibabaw ng natitirang sambayanan ni Yahweh?”
4Nang marinig iyon ni Moises, nagpatirapa siya.
5Nagsalita siya kay Korah at sa lahat ng kaniyang pangkat; sinabi niya, “Sa kinaumagahan, ipapakita ni Yahweh kung sino ang kaniya, at kung sino ang inilaan kay Yahweh. Dadalhin niya sa kaniya ang taong pipiliin niya. Dadalhin siya ni Yahweh sa kaniyang sarili.
6Gawin ninyo ito, Korah at lahat ng iyong pangkat. Kumuha kayo ng mga insensaryo
7bukas at lagyan ninyo ng apoy at insenso ang mga ito sa harap ni Yahweh. Ang taong pipiliin ni Yahweh, ang taong iyon ay ilalaan kay Yahweh. Malayo na ang inyong narating, kayong mga kaapu-apuan ni Levi.”
8Muli, sinabi ni Moises kay Korah, “Ngayon ay makinig kayo, kayong mga kaapu-apuan ni Levi:
9ito ba ay isang maliit na bagay para sa inyo na inilaan kayo ng Diyos ng Israel mula sa sambayanan ng Israel, upang palapitin kayo sa kaniya, upang magtrabaho sa tabernakulo ni Yahweh, at upang tumayo sa harapan ng sambayanan para maglingkod sa kanila?
10Dinala niya kayo ng malapitan, at lahat ng inyong mga kamag-anak, ang mga kaapu-apuan ni Levi ay kasama ninyo, ngunit ninanasa din ninyo ang pagkapari!
11Iyon ang dahilan kung bakit ikaw at lahat ng iyong pangkat ay nagkatipon laban kay Yahweh. Kaya bakit kayo nagrereklamo tungkol kay Aaron, na sumusunod kay Yahweh?”
12Pagkatapos ipinatawag ni Moises sina Datan at Abiram, ang mga anak na lalaki ni Eliab, subalit sinabi nila, “Hindi kami pupunta.
13Ito ba ay isang maliit na bagay na dalhin mo kami sa isang lupain na dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan, upang patayin kami sa ilang? Ngayon nais mong maging tagapangasiwa namin!
14Bilang karagdagan, hindi mo kami dinala sa isang lupain na umaagos sa gatas at pulot-pukyutan, o binigyan ng mga bukid at mga ubasan bilang isang mana. Ngayon nais mo kaming bulagin sa pamamagitan ng mga walang lamang pangako? Hindi kami pupunta sa iyo.”
15Galit na galit si Moises at sinabi kay Yahweh, “Huwag mong galangin ang kanilang mga handog. Hindi ako kumuha ng isang asno mula sa kanila, at wala akong sinaktang sinuman sa kanila.”
16Pagkatapos, sinabi ni Moises kay Korah, “Bukas ikaw at lahat ng iyong kasamahan ay dapat pumunta sa harap ni Yahweh, ikaw, sila, at si Aaron.
17Bawat isa sa inyo ay dapat dalhin niya ang kaniyang insensaryo at lagyan ito ng insenso. Pagkatapos, dapat dalhin ng bawat tao sa harap ni Yahweh ang kaniyang insensaryo, dalawang daan at limampung insensaryo. Kayo at si Aaron rin ay dapat ninyong dalhin ang inyong mga insensaryo.”
18Kaya kinuha ng bawat lalaki ang kaniyang insensaryo, nilagyan ito ng apoy, nilatagan ito ng insenso, at tumayo sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong kasama ni Moises at Aaron.
19Tinipon ni Korah ang buong sambayanan laban kina Moises at Aaron sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at nagpakita ang kaluwalhatian ni Yahweh sa buong sambayanan.
20At nagsalita si Yahweh kay Moises at kay Aaron:
21“Ihiwalay ninyo ang inyong mga sarili mula sa sambayanang ito upang lipulin ko sila agad-agad.”
22Nagpatirapa sila Moises at Aaron at sinabi, “Diyos, ang Diyos ng mga espiritu ng buong sangkatauhan, kung nagkakasala ang isang tao, dapat kabang magalit sa buong sambayanan?”
23Sumagot si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
24“Magsalita ka sa buong sambayanan. Sabihin mo, 'Umalis kayo mula sa mga tolda nila Korah, Datan, at Abiram.'”
25Pagkatapos, bumangon si Moises at pumunta kina Datan at Abiram; sinundan siya ng mga nakakatanda ng Israel.
26Nagsalita siya sa sambayanan at sinabi, “Ngayon iwanan ang mga tolda ng mga masamang lalaking ito at huwag humawak ng anumang bagay na nabibilang sa kanila, o malilipol kayo sa pamamagitan ng lahat ng kanilang kasalanan.”

Read Mga Bilang 16Mga Bilang 16
Compare Mga Bilang 16:2-26Mga Bilang 16:2-26