Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 13

Mga Bilang 13:24-33

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
24Pinangalanan ang lugar na iyon na lambak ng Escol, dahil sa kumpol ng ubas na pinutol ng mga Israelita doon.
25Bumalik sila pagkalipas ng apatnapung araw mula sa pagsusuri sa lupain.
26Bumalik sila kina Moises, Aaron at sa buong sambayanan ng Israel sa ilang ng Paran sa Kades. Nagdala sila ng ulat sa kanila at sa buong sambayanan, at ipinakita sa kanila ang bunga na nagmula sa lupain.
27Sinabi nila kay Moises, “Narating namin ang lupain kung saan mo kami ipinadala. Tunay na dinadaluyan ito ng gatas at pulot-pukyutan. Narito ang ilan sa mga bunga mula roon.
28Gayunman, ang mga taong nagtayo ng kanilang tahanan doon ay malalakas. Pinatibay at napakalawak ng kanilang mga lungsod. Nakita rin namin doon ang mga kaapu-apuhan ni Anak. Nakatira ang mga Amalekita sa Negev.
29Naroon ang mga tahanan ng mga Hiteo, Jebuseo, at mga Amoreo sa burol na lugar. Naninirahan ang mga Cananeo malapit sa dagat at sa tabi ng Ilog Jordan.”
30Sinubukan ni Caleb na palakasin ang loob ng mga taong nakapalibot kay Moises. Sinabi niya, “Lusubin natin nang minsanan at kunin ito, dahil kayang-kaya nating sakupin ito.”
31Ngunit sinabi ng ibang kalalakihang pumunta kasama niya, “Hindi natin kayang lusubin ang mga tao dahil mas malakas sila kaysa sa atin.”
32Kaya ikinalat nila ang nakakapanghina ng loob na ulat sa mga tao ng Israel tungkol sa lupain na kanilang sinuri. Sinabi nila, “Ang lupain na aming tiningnan ay isang lupaing umuubos ng mga mamamayan nito. Matatangkad ang lahat ng mga taong nakita namin doon.
33Nakita namin doon ang mga higante, mga kaapu-apuhan ni Anak, mga taong nagmula sa mga higante. Para kaming mga tipaklong sa aming paningin kung ihambing sa kanila, at maaaring ganoon din kami sa kanilang paningin.”

Read Mga Bilang 13Mga Bilang 13
Compare Mga Bilang 13:24-33Mga Bilang 13:24-33