Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Bilang - Mga Bilang 12

Mga Bilang 12:3-15

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Ang lalake ngang si Moises ay totoong maamong loob, na higit kay sa lahat ng lalaking nasa ibabaw ng lupa.
4At sinalita agad ng Panginoon kay Moises, at kay Aaron, at kay Miriam, Lumabas kayong tatlo sa tabernakulo ng kapisanan. At silang tatlo ay lumabas.
5At ang Panginoon ay bumaba sa isang tila haliging ulap, at tumayo sa pintuan ng Tolda, at tinawag si Aaron at si Miriam: at sila'y kapuwa lumabas.
6At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita: kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong Panginoon ay pakikilala sa kaniya sa pangitain, na kakausapin ko siya sa panaginip.
7Ang aking lingkod na si Moises ay hindi gayon; siya'y tapat sa aking buong buhay:
8Sa kaniya'y makikipag-usap ako ng bibig, sa bibig, ng maliwanag, at hindi sa malabong salitaan; at ang anyo ng Panginoon ay kaniyang makikita: bakit nga hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?
9At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa kanila; at siya'y umalis.
10At ang ulap ay lumayo sa Tolda; at narito, si Miriam ay nagkaketong, na pumuting gaya ng niebe; at tiningnan ni Aaron si Miriam, at narito, siya'y nagkaketong.
11At sinabi ni Aaron kay Moises, Oh panginoon ko, isinasamo ko sa iyo na huwag mong iparatang ang kasalanan sa amin, sapagka't ginawa namin na may kamangmangan, at sapagka't kami ay nagkasala.
12Huwag mong itulot sa kaniya, isinasamo ko sa iyo, na maging parang isang patay na tunaw ang kalahati ng kaniyang laman paglabas sa tiyan ng kaniyang ina.
13At humibik si Moises sa Panginoon, na sinasabi, Pagalingin mo siya, Oh Dios, ipinamamanhik ko sa iyo.
14At sinabi ng Panginoon kay Moises, Kung siya'y niluran ng kaniyang ama sa kaniyang mukha, hindi ba siya mahihiyang pitong araw? kulungin siyang pitong araw sa labas ng kampamento, at pagkatapos ay madadala siyang muli sa loob.
15At si Miriam ay kinulong na pitong araw sa labas ng kampamento: at ang bayan ay hindi naglakbay hanggang si Miriam ay nadalang muli sa loob.

Read Mga Bilang 12Mga Bilang 12
Compare Mga Bilang 12:3-15Mga Bilang 12:3-15