Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Marcos - Marcos 6

Marcos 6:30-37

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
30Nagtipun-tipon ang mga apostol sa palibot ni Jesus at sinabi sa kaniya ang lahat ng kanilang nagawa at naituro.
31At sinabi ni Jesus sa kanila, “Halikayo punta tayo sa ilang na lugar at sandaling magpahinga.” Sapagkat maraming dumarating at umaalis, at wala man lamang silang oras para kumain.
32Kaya sumakay sila sa bangka papunta sa ilang na lugar.
33Ngunit nakita silang umaalis at maraming nakakilala sa kanila, at nagsitakbo ang mga tao mula sa mga bayan at naunahan nila sina Jesus na dumating doon.
34Nang makarating na sila sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming tao at nahabag siya sa kanila dahil para silang mga tupa na walang pastol. At sinimulan niyang magturo sa kanila ng maraming bagay.
35Nang dapit-hapon na, nagpunta sa kaniya ang kaniyang mga alagad at sinabi, “Ilang ang lugar na ito at gumagabi na.
36Paalisin mo nalang sila upang makapunta sila sa karatig-pook at sa mga nayon upang bumili ng makakain para sa kanilang sarili.”
37Ngunit sumagot siya at sinabi sa kanila, “Bigyan ninyo sila ng anumang makakain.” Sinabi nila sa kaniya, “Maaari ba kaming pumunta at bumili ng tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang denario at ibigay sa kanila upang kainin?”

Read Marcos 6Marcos 6
Compare Marcos 6:30-37Marcos 6:30-37