Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 22

Lucas 22:15-25

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Pagkatapos sinabi niya sa kanila, “Labis kong ninais na makasalo kayo sa Pista ng Paskwang ito bago ako magdusa.
16Sapagkat sinasabi ko sa inyo, hindi ko na ito kakaining muli, hanggang sa matupad ito sa kaharian ng Diyos.”
17Pagkatapos, kumuha si Jesus ng isang kopa, at nang makapagpasalamat, sinabi niya, “Kunin ninyo ito at ibahagi ito sa isa't isa.
18Sapagkat sinasabi ko sa inyo, hindi na ako muling iinom ng bunga ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Diyos.”
19Pagkatapos, kinuha niya ang tinapay at nang makapagpasalamat, hinati-hati niya ito, at ibinigay sa kanila, sinasabi, “Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.”
20Kinuha niya ang tasa sa parehong paraan pagkatapos ng hapunan, sinasabi, “Ang tasang ito ang bagong tipan sa aking dugo, na ibinuhos para sa inyo.
21Ngunit makinig kayo. Ang taong magkakanulo sa akin ay kasama ko ngayon sa hapag.
22Sapagkat ang Anak ng Tao ay mamamatay ayon sa itinakda. Ngunit sa aba sa taong iyon na magkakanulo sa kaniya!”
23At nagsimula silang magtanong sa isa't isa, kung sino sa kanila ang gagawa ng bagay na ito.
24At nagkaroon din ng pagtatalo sa kanila tungkol sa kung sino sa kanila ang itinuturing na pinakadakila.
25Sinabi niya sa kanila, “Ang mga hari ng mga Gentil ay may kapangyarihang pamunuan sila, at ang mga may kapangyarihan sa kanila ay tinawag na mga pinunong kagalang-galang.

Read Lucas 22Lucas 22
Compare Lucas 22:15-25Lucas 22:15-25