Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 21

Lucas 21:17-26

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
17Kayo ay kamumuhian ng lahat dahil sa aking pangalan.
18Ngunit hindi mawawala kahit isang buhok sa inyong ulo.
19Sa inyong pagtitiis ay makakamtan ninyo ang inyong mga kaluluwa.
20Kapag nakita ninyo ang Jerusalem na napaliligiran ng mga hukbo, kung gayon malalaman ninyo malapit na ang pagkawasak nito.
21Kung magkagayon, ang mga nasa Judea ay magsitakas patungo sa mga bundok, at lahat ng mga nasa kalagitnaan ng lungsod ay umalis, at ang mga nasa bayan ay huwag pumasok doon.
22Sapagkat ito ang mga araw ng paghihiganti, upang matupad ang lahat ng nasusulat.
23Sa aba ng mga nagdadalang-tao at sa mga nagpapasuso sa mga araw na iyon! Sapagkat magkakaroon ng matinding kapighatian sa lupain, at poot sa mga taong ito.
24At sila ay babagsak sa pamamagitan ng talim ng espada at sila ay dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa, at ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.
25Magkakaroon ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. At sa lupa, magkakaroon ng kapighatian sa mga bansa, na walang pag-asa dahil sa dagundong ng dagat at sa mga alon.
26Manlulupaypay ang mga tao dahil sa takot at dahil sa inaasahang darating sa mundo. Sapagkat mayayanig ang mga kapangyarihan ng kalangitan.

Read Lucas 21Lucas 21
Compare Lucas 21:17-26Lucas 21:17-26