Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 8

Levitico 8:4-8

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Kaya ginawa ni Moises ang ipinag-utos ni Yahweh sa kaniya, at sama-samang dumating ang kapulungan sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong.
5Pagkatapos sinabi ni Moises sa kapulungan, “Ito ang ipinag-utos ni Yahweh na dapat gawin.”
6Dinala ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki at hinugasan sila ng tubig.
7Inilagay niya kay Aaron ang tunika at itinali ang kabitan sa palibot sa kaniyang baywang, binihisan siya ng kasuotan at inilagay ang efod sa kaniya, at pagkatapos itinali niya ang efod sa palibot niya kasama ng kabitan na hinabi nang pino at itinali ito sa kaniya.
8Inilagay niya ang baluti sa kaniya, at sa baluti inilagay niya ang Urim at Tummim.

Read Levitico 8Levitico 8
Compare Levitico 8:4-8Levitico 8:4-8