Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 6

Levitico 6:2-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2“Kung sinuman ang nagkasala at lumabag sa isang utos laban kay Yahweh, tulad ng sinungaling na pakikitungo sa kaniyang kapwa hinggil sa isang bagay na ipinagkatiwala sa kaniya, o kung nililinlang o ninanakawan niya, o pinahihirapan ang kaniyang kapwa,
3o nakakita ng isang bagay na nawala ng kaniyang kapwa at nagsinungaling tungkol dito, at nanumpa sa pagsisinungaling, o sa mga bagay na katulad nito na nagkasala ang mga tao,
4kung gayon, mangyayari na kung nagkasala siya at may kasalanan, na dapat niyang ibalik anuman ang kaniyang kinuha sa pamamagitan ng pagnanakaw o pang-aapi o pagkuha ng kung ano ang ipinagkatiwala sa kaniya o ang nawalang bagay na nakita niya.
5O kung nagsinungaling siya tungkol sa anumang bagay, dapat niyang ibalik ito nang buo at dapat dagdagan ng ikalima para bayaran siya na kung kanino ito inutang, sa araw na nakitaan siya na may kasalanan.
6Pagkatapos dapat niya dalhin kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad para sa kasalanan: isang lalaking tupa mula sa kawan na walang dungis na nagkakahalaga ng kasalukuyang halaga, bilang isang handog na pambayad para sa kasalanan sa pari.
7Para sa kaniya ay gagawa ang pari ng isang pambayad para sa kasalanan sa harap ni Yahweh, at patatawarin siya ukol sa anumang kasalanang ginawa niya.”
8Pagkatapos nagsalita si Yahweh kay Moises, na nagsasabing,
9“Utusan mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, at sabihin mo, 'Ito ang batas ng handog na susunugin: Dapat nasa ibabaw ng dapog ng altar ang handog na susunugin sa buong gabi hanggang umaga, at pananatilihing umaapoy ang apoy ng altar.

Read Levitico 6Levitico 6
Compare Levitico 6:2-9Levitico 6:2-9