Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 17

Levitico 17:3-12

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3'Ang sinumang tao na mula sa Israel na pumatay ng isang lalaking baka, tupa, o kambing sa loob ng kampo, o sa labas ng kampo, upang ialay ito—
4kung hindi niya ito dadalhin sa pasukan ng tolda ng pagpupulong upang ihandog bilang isang alay para kay Yahweh sa harap ng kanyang tabernakulo, ang taong iyon ay nagkasala na sa pagdanak ng dugo. Pinadanak niya ang dugo, at dapat ng itiwalag ang taong iyon mula sa kanyang bayan.
5Ang layunin ng kautusang ito ay upang dalhin ng mga mamamayan ng Israel ang kanilang mga alay para kay Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, upang ialay ng pari bilang handog ng pagtitipon-tipon para kay Yahweh, sa halip na mag handog ng mga alay sa isang lantad na bukid.
6Isasaboy ng pari ang dugo sa altar ni Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagpupulong; susunugin niya ang taba nito para makagawa ng isang mahalimuyak na amoy para kay Yahweh.
7Hindi na dapat maghandog ang mga tao ng kanilang mga alay sa kambing na mga diosdiosan, kung saan kumikilos sila tulad ng mga bayarang babae. Ito ay magiging isang permanenteng batas para sa kanila hanggang sa katapusan ng kanilang salinlahi.'
8Dapat mong sabihin sa kanila, 'Sinumang tao ng Israel, o sinumang dayuhang nakatira sa kanila, na maghahandog ng isang alay na susunugin bilang handog.
9at hindi ito dinala sa pasukan ng tolda ng pagpupulong upang ihandog ito para kay Yahweh, dapat na itiwalag ang taong iyon mula sa kanyang bayan.
10At sinuman sa Israel, o sinumang dayuhang naninirahan sa kanila, na kumain ng kahit anong dugo, itatalikod ko ang aking mukha laban sa mga taong iyon, sa sinumang kumain ng dugo; ititiwalag ko siya mula sa kanyang bayan.
11Sapagkat ang buhay ng isang hayop ay nasa dugo nito. Ibinigay ko ang dugo nito sa inyo upang gawing pambayad ng kasalanan sa altar para sa inyong mga buhay, dahil ang dugong ito ang ginagawang pambayad ng kasalanan, sapagkat ang dugo ay pambayad ng kasalanan para sa buhay.
12Kaya sinabi ko sa bayan ng Israel na walang sinuman sa inyo ang dapat kumain ng dugo, ni sinumang dayuhan na naninirahan kasama ninyo ang maaaring kumain nito.

Read Levitico 17Levitico 17
Compare Levitico 17:3-12Levitico 17:3-12