Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 13

Levitico 13:27-58

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
27Pagkatapos ay dapat siyang suriin ng pari sa ikapitong araw. Kung iyon ay kumalat ng malawak sa balat, kung gayon ay dapat ipahayag ng pari na siya na siya ay marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.
28Kung ang batik ay manatili sa bahaging iyon at hindi kumalat sa balat ngunit kumupas, kung gayon ito ay isang pamamaga mula sa paso, at dapat siyang ipahayag ng pari na malinis, dahil hindi ito mas higit sa peklat ng paso.
29Kung ang isang lalaki o babae ay may nakakahawang sakit sa ulo o baba,
30kung gayon kailangang suriin ng pari ang tao para sa isang nakakahawang sakit upang makita kung ito ay nagmimistulang mas malalim kaysa balat, at kung mayroong dilaw, manipis na buhok dito. Kung mayroon, kung gayon kailangan siyang ipahayag ng pari na marumi. Ito ay isang pangangati, isang nakakahawang sakit sa ulo o sa baba.
31Kung ang pari ay susuriin ang pangangating sakit at makitang wala ito sa ilalim ng balat, at kung walang itim na buhok doon, kung gayon ang pari ay ihihiwalay ang taong may pangangating sakit sa loob ng pitong araw.
32Susuriin ng pari ang sakit sa ikapitong araw upang makita kung kumalat ito. Kung walang dilaw na buhok, at kung ang sakit ay lumilitaw na hanggang balat lang ang lalim,
33kung gayon kailangan siyang ahitan, ngunit ang may sakit na bahagi ay hindi dapat ahitan, at kailangang ihiwalay ng pari ang tao na may pangangating sakit sa loob ng karagdagang pitong araw.
34Susuriin ng pari ang sakit sa ikapitong araw para makita kung ito ay huminto na sa pagkalat sa balat. Kung ito ay lumilitaw na hindi mas malalim kaysa balat, kung gayonn kailangan siyang ipahayag ng pari na malinis. Kailangang labhan ng tao ang kanyang mga damit, at sa gayon siya ay magiging malinis.
35Ngunit kung ang pangangating sakit ay kumalat ng malawak sa balat pagkatapos na ang pari ay sabihin na siya ay malinis,
36kung ganun kailangan siyang suriin ulit ng pari. Kung ang sakit ay kumalat sa balat, ang pari ay hindi na kailangang humanap ng dilaw na buhok. Ang tao ay marumi.
37Ngunit kung sa tingin ng pari ang pangangating sakit ay huminto sa pagkalat at maitim na buhok ay tumubo sa bahagi, kung gayon ang sakit ay gumaling. Siya ay malinis, at kailangan siyang ipahayag ng pari na malinis.
38Kung isang lalaki o isang babae ay mayroong puting mga batik sa balat,
39kung gayon ay dapat suriin ng pari ang tao para makita kung ang mga batik ay kulay abo, na kung saan isa lamang itong pantal na kumalat mula sa balat. Siya ay malinis.
40Kung ang buhok ng isang lalaki ay nalagas mula sa kanyang ulo, siya ay kalbo, ngunit siya ay malinis.
41At kung ang kanyang buhok ay nalagas mula sa harapang bahagi ng kanyang ulo, at kung ang kanyang noo ay kalbo, siya ay malinis.
42Ngunit kung mayroon isang namumulang-puting sugat sa kanyang kalbong ulo o noo, ito ay isang nakakahawang sakit na lumitaw.
43Kung gayon ay dapat siyang suriin ng pari para makita kung ang pamamaga ng maysakit na bahagi sa kanyang kalbong ulo o noo ay namumulang-puti, kagaya ng itsura ng isang nakakahawang sakit sa balat.
44Kapag mayroon nito, kung gayon ay mayroon siyang nakakahawang sakit at siya ay marumi. Dapat siguraduhin ng pari na ipahayag na marumi siya dahil sa kanyang sakit sa kanyang ulo.
45Ang tao na mayroong nakakahawang sakit ay kailangang magsuot ng mga punit na damit, ang kanyang buhok ay kailangang nakalugay, at dapat niyang takpan ang kanyang mukha hanggang sa kanyang ilong at sumigaw, 'Marumi, marumi.'
46Sa lahat ng araw na siya ay mayroong nakakahawang sakit siya ay magiging marumi. Dahil siya ay marumi na may isang sakit na maaaring makahawa, siya ay dapat mamuhay ng mag-isa. Dapat siyang mamuhay sa labas ng kampo.
47Ang isang kasuotang narumihan ng amag, maging ito ay lana o linong kasuotan,
48o anumang bagay na lana o sinulsing mula sa lana o lino, o balat o alinmang bagay na gawa sa balat—
49kung may isang maberde o namumulang dumi sa kasuotan, ang balat, ang hinabi o sinulsing bagay, o anumang bagay na gawa sa balat, kung ganun ito ay isang amag na kumalat; dapat itong ipakita sa pari.
50Dapat suriin ng pari ang bagay para sa amag; dapat niyang ihiwalay ang anuman na mayroong amag sa loob ng pitong araw.
51Dapat niya muling suriin ang amag sa ikapitong araw. Kapag ito ay kumalat sa kasuotan o anumang hinabi o sinulsing gawa sa lana o linong bagay, o balat o alinmang bagay na kung saan balat ang ginagamit, kung gayon ito ay mapanganib na amag, at ang bagay ay marumi.
52Dapat niyang sunugin ang kasuotan, o anumang bagay na hinabi o sinulsi mula sa lana o linong bagay, o balat o alinmang bagay na gawa sa balat, anuman na kung saan ang mapanganib na amag ay makita, dahil ito ay magdadala ng sakit. Ang bagay ay dapat lubusang sunugin.
53Kung sinuri ng pari ang bagay at makita na ang amag ay hindi kumalat sa kasuotan o bagay na hinabi o sinulsi mula sa lana o lino, o balat na mga bagay,
54kung gayon iuutos niya sa kanila na labahan ang bagay kung saan nakita ang amag, at dapat niya itong ihiwalay sa loob ng karagdagang pitong araw.
55Pagkatapos ay susuriin ng pari ang bagay na inamag pagkatapos itong malabhan. Kung ang amag ay hindi nagbago ng kulay, kahit na hindi ito kumalat, ito ay marumi. Dapat mong sunugin ang bagay, maging saan ito nahawaan ng amag.
56Kung sinuri ng pari ang bagay, at kung ang amag ay kumupas pagkatapos itong malabhan, kung gayon dapat niyang punitin ang nahawahang bahagi mula sa kasuotan o mula sa balat, o mula sa hinabi o sinulsing bagay.
57Kapag ang amag ay makita parin sa kasuotan, sa hinabi man o sa sinulsing bagay, o sa kahit anong bagay na balat, kumakalat ito. Dapat mong sunugin ang anumang bagay na mayroong amag.
58Ang kasuotan o anumang bagay na hinabi o sinulsing mula sa lana o linong bagay, o balat o anumang bagay na gawa sa balat—kung lalabhan mo ang bagay at ang amag ay mawala, kung gayon ang bagay ay kailangang malabhan sa ikalawang pagkakataon, at ito ay magiging malinis.

Read Levitico 13Levitico 13
Compare Levitico 13:27-58Levitico 13:27-58