48Ang mga Judio ay sumagot at sinabi sa kaniya “Hindi ba tama ang sinabi namin na ikaw ay isang Samaritano at may demonyo,”
49Sumagot si Jesus, “Wala akong demonyo; pero pinaparangalan ko ang aking ama, at hindi ninyo ako pinaparangalan.
50Hindi ko hinahanap ang sarili kong kaluwalhatian; mayroong isang naghahanap at naghahatol.
51Tunay nga, sinabi ko sa inyo, kung sinuman ang tutupad ng aking salita, hindi niya kailanman makikita ang kamatayan.
52Sinabi ng mga Judio sa kaniya, “Ngayon alam namin na mayroon kang demonyo. Si Abraham at ang mga propeta ay namatay; pero sinasabi mo, 'Kung sinuman ang tutupad sa aking salita ay hindi kailanman matitikman ang kamatayan.'
53Hindi ka nakakahigit sa aming amang si Abraham na namatay, hindi ba? Ang mga propeta din ay namatay. Kanino mo hinahalintulad ang iyong sarili?”
54Sumagot si Jesus, “Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang aking kaluwalhatian ay walang halaga; ang nagluluwalhati sa akin ay ang aking Ama—na sinasabi ninyo na siya ang inyong Diyos.
55Hindi niyo siya nakikila, pero kilala ko siya. Kung sasabihin ko, 'Hindi ko siya kilala,' maitutulad ako sa inyo na sinungaling. Subalit, kilala ko siya at tinutupad ko ang kaniyang salita.
56Ang iyong amang si Abraham ay nagalak na nakikita ang araw ko; nakita niya ito at natuwa.”