Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 8

JUAN 8:2-28

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Kinaumagahan, pumunta siyang muli sa templo, at lahat ng mga tao ay pumunta sa kaniya; umupo siya at tinuruan sila.
3Ang mga eskriba at mga Pariseo ay nagdala ng isang babaeng nahuli sa kasalukuyan ng pangangalunya. Nilagay nila siya sa gitna.
4At sinabi nila kay Jesus, “Guro, ang babaeng ito ay nahuli sa kasalukuyang ng pangangalunya.
5Ngayon sa batas inuutos ni Moises na batuhin ang ganitong uri ng mga tao; ano ang iyong masasabi tungkol sa kaniya?”
6Sinabi nila ito upang bitagin siya upang mayroon silang maiparatang sa kaniya, ngunit yumuko si Jesus at sumulat sa lupa gamit ang kaniyang daliri.
7Nang patuloy sila sa pagtatanong sa kaniya, siya ay tumayo at sinabi sa kanila, “Ang walang kasalanan sa inyo, siya ang unang magtapon ng bato sa kaniya.”
8Muli siyang yumuko at nagsulat sa lupa gamit ang kaniyang daliri.
9Nang narinig nila ito, isa isa silang umalis, simula sa pinakamatanda. Sa bandang huli naiwan si Jesus mag-isa, kasama ang babae na nasa kanilang kalagitnaan.
10Tumayo si Jesus at sinabi sa kaniya, “Babae, nasaan ang iyong mga taga-usig? Wala bang humatol sa iyo?”
11Sabi niya “Wala ni sinuman, Panginoon.” Sabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Humayo ka sa iyong pupuntahan; mula ngayon huwag ka nang magkakasala pa.”
12Muli nagsalita si Jesus sa mga tao at sinabi, “Ako ang ilaw ng mundo; ang sumusunod sa akin ay hindi na maglalakad sa kadiliman kundi magkakaroon ng liwanag ng buhay.”
13Sinabi sa kaniya ng mga Pariseo, “Ikaw ang nagpapatotoo tungkol sa iyong sarili; ang iyong patotoo ay hindi tunay.”
14Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Kahit na ako ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, ang aking patotoo ay tunay. Alam ko kung saan ako nanggaling at saan ako pupunta, ngunit kayo hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling o saan ako pupunta.
15Humahatol kayo ayon sa laman; ako ay walang hinahatulan.
16Ngunit paghumatol ako, ang aking paghatol ay tunay dahil hindi ako nag-iisa, ngunit kasama ko ang aking Ama na nagsugo sa akin.
17Tama, at sa inyong batas ay nakasulat ang pagpapatotoo ng dalawang tao ay tunay.
18Ako ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, at ang Ama na nagsugo sa akin ay nagpapatotoo tungkol sa akin.
19Sinabi nila sa kaniya, “Nasaan ang iyong ama?” Sumagot si Jesus, “Hindi ninyo ako kilala ni ang aking Ama; kung nakilala ninyo ako, makilala niyo na rin ang aking Ama.”
20Sinabi niya ang mga salitang ito na malapit sa lugar ng ingat-yaman noong siya ay nagturo sa templo, at walang sinuman ang humuli sa kaniya dahil hindi pa dumarating ang kaniyang oras.
21Sinabi niya muli sa kanila, “Ako ay aalis; hahanapin ninyo ako at mamamatay kayo sa inyong kasalanan. Kung saan ako pupunta, hindi kayo makakasama.”
22Sabi ng mga Judio “Papatayin ba niya ang kaniyang sarili, siya na nagsabi, 'Kung saan ako pupunta, hindi kayo makakasama'?”
23Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kayo ay nagmula sa ibaba; ako ay nagmula sa itaas. Kayo ay sa sanlibutang ito; ako ay hindi sa sanlibutang ito.
24Kaya, sinabi ko sa inyo na mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. Sapagkat maliban na maniniwala kayo na AKO NGA, mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.”
25Kaya sinabi nila sa kaniya, “Sino ka?” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung ano sinabi ko sa inyo mula pa sa simula.
26Marami akong mga bagay na sasabihin at hahahtulan tungkol sa inyo. Subalit, ang nagpadala sa akin ay totoo; at ang mga bagay na narinig ko sa kaniya, ang mga ito ay sinasabi ko sa mundo.”
27Hindi nila naunawaan na siya ay nagsasalita sa kanila tungkol sa Ama.
28Sinabi ni Jesus, “Kapag itinaas na ninyo ang Anak ng Tao, saka ninyo makikilala na AKO NGA, at wala akong ginawa sa aking sarili. Ayon sa itinuro ng aking Ama, sinasabi ko ang mga bagay na ito.

Read JUAN 8JUAN 8
Compare JUAN 8:2-28JUAN 8:2-28