Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 24

Joshua 24:10-16

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
10Pero hindi ako nakinig kay Balaam. Sa katunayan, pinagpala niya kayo. Kaya iniligtas ko kayo mula sa kaniyang kamay.
11Tumawid kayo sa Jordan at nakarating sa Jericho. Nakipaglaban ang mga pinuno ng Jerico laban sa inyo, kasama ang mga Amoreo, ang mga Perizeo, ang mga Cananaeo, ang mga Heteo, ang mga Girgaseo, ang mga Hivita, at ang mga Jebuseo. Pinagtagumpay ko kayo sa kanila at nilagay sila sa ilalim ng inyong pamamahala.
12Ipinadala ko ang putakti sa harap ninyo, na paalis sa kanila at sa dalawang hari ng mga Amoreo sa harapan ninyo. Ito ay hindi nangyari sa pamamagitan ng inyong espada o sa pamamagitan ng inyong pana.
13Binigyan ko kayo ng lupain na hindi ninyo pinagtrabahuhan at mga lungsod na hindi ninyo itinayo, at ngayon kayo ay naninirahan sa mga ito. Kinakain ninyo ang mga bunga ng mga ubasan at mga halamanang olibo na hindi ninyo itinanim.'
14Ngayon ang pagkatakot kay Yahweh at sambahin siya ng boung karangalan at katapatan; alisin ang mga diyos na sinamba ng inyong mga ninuno sa dako ng Eufrates at sa Ehipto, at sambahin si Yahweh.
15Kung tila mali ito sa inyong mga paningin para sambahin ninyo si Yahweh, kayo na mismo ang pumili ngayong araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran, kung ang mga diyos na sinamba ng inyong mga ninuno sa ibayo ng Eufrates o ang mga diyos ng mga Amoreo, kung saang lupain kayo naninirahan. Pero para sa akin at sa aking sambahayan, sasambahin namin si Yahweh.”
16Sumagot ang bayan at sinabi, “Hindi namin kailanman pababayaan si Yahweh para maglingkod sa ibang mga diyos,

Read Joshua 24Joshua 24
Compare Joshua 24:10-16Joshua 24:10-16