32Mula sa lipi ni Neftali, ibinigay nila sa mga angkan ng Gerson ang Kedes sa Galilea kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya; Hammotdor kasama ang mga lupang pastulan nito, at Kartan kasama ang mga lupang pastulan nito—tatlong lungsod lahat.
33Mayroong labintatlong lungsod lahat, mula sa mga angkan ng Gerson, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
34Sa natirang mga Levita— ang mga angkan ni Merari—ay ibinigay mula sa lipi ni Zebulon: Jokneam kasama ang mga lupang pastulan nito, Karta kasama ang mga lupang pastulan nito,
35Dimna kasama ang mga lupang pastulan nito, at Nahalal kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
36Ibinigay sa mga angkan ni Merari mula sa lipi ni Ruben: Bezer kasama ang mga lupang pastulan nito, Jahaz kasama ang mga lupang pastulan nito,
37Kedemot kasama ang mga lupang pastulan nito, at Mepaat kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod.
38Mula sa lipi ni Gad ibinigay sa kanila ang Ramot sa Galaad kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya—at Mahanaim kasama ang mga lupang pastulan nito.
39Ibinigay din sa mga angkan ni Merari ang Hesbon kasama ang mga lupang pastulan nito, at Jazer kasama ang mga lupang pastulan nito. Apat na lungsod itong lahat.
40Lahat ng mga ito ang mga lungsod na may maraming angkan ni Merari, na mula sa lipi ni Levi—labindalawang lungsod lahat ang ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng mga palabunutan.
41Ang mga lungsod ng mga Levita na kinuha sa gitna ng lupaing inangkin ng bayan ng Israel ay apatnapu't walong lungsod, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
42Mayroong nakapaligid na mga lupang pastulan ang bawat siyudad na ito. Ganito sa lahat ng mga lungsod na ito.