Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 1

Joshua 1:9-18

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
9Hindi ba iniutos ko sa iyo? Maging malakas at matapang! Huwag matakot. Huwag matakot. Kasama mo si Yahweh na iyong Diyos saan ka man pupunta.”
10Pagkatapos inutusan ni Josue ang mga pinuno ng bayan,
11“Lumibot kayo sa kampo at utusan ang mga tao, 'Maghanda ng makakain para sa inyong sarili. Sa loob ng tatlong araw tatawirin ninyo ang Jordang ito at papasukin at aangkinin ang lupain na ibinibigay ni Yahweh inyong Diyos sa inyo para angkinin.”'
12Sinabi ni Josue sa mga lipi ni Reubenita, mga lipi ni Gadita at sa kalahating lipi ni Manases,
13“Alalahanin ang salitang iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ni Yahweh nang sinabi niyang, 'Binibigyan kayo ng pahinga ni Yahweh na inyong Diyos, at ibinibigay niya sa inyo ang lupaing ito.'
14Mananatili sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises sa kabila ng Jordan ang inyong mga asawa, inyong mga maliliit, at ang inyong mga alagang hayop. Pero ang inyong mga mandirigma ay tatawid kasama ng inyong mga kapatid na lalaki at tutulungan sila
15hanggang ipagkaloob ni Yahweh sa inyong mga kapatid na lalaki ang kapahingahan tulad ng ibinigay niya sa inyo. At aangkinin din nila ang lupaing ibinibigay sa kanila ni Yahweh na inyong Diyos. Pagkatapos babalik kayo sa sarili ninyong lupain at angkinin ito, ang lupaing ibinigay ni Moises na lingkod ni Yahweh sa kabila ng Jordan, kung saan sumisikat ang araw.”
16At sumagot sila kay Josue, sinabing, “Gagawin namin ang lahat ng iniutos mo sa amin, at pupunta kami saan mo man kami ipapadala.
17Susundin ka namin tulad ng pagsunod namin kay Moises. Nawa'y samahan ka ni Yahweh, tulad ng pagsama niya kay Moises.
18Malalagay sa kamatayan ang sinumang susuway sa iyong mga utos at hindi susunod sa iyong mga salita. Maging malakas lamang at matapang.”

Read Joshua 1Joshua 1
Compare Joshua 1:9-18Joshua 1:9-18