Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 15

Joshua 15:4-10

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Dumaan ito patungong Azmon, nagdaan sa batis ng Ehipto, at dumating ito sa dulo ng dagat. Ito ang kanilang hangganan sa timog.
5Ang silangang hangganan ay ang Dagat ng Asin, na nasa bibig ng Jordan. Ang hangganan sa hilaga ay nagsisimula sa dalampasigan ng dagat sa bibig ng Jordan.
6Umahon ito sa Beth Hogla at dumaan patungong timog ng Beth Araba. Pagkatapos umahon ito sa Bato ng Bohan (si Bohan ang anak na lalaki ni Reuben).
7Pagkatapos ang hangganang paahon sa Debir mula sa lambak ng Achor, at gayon din pahilaga, lumiliko patungong Gilgal, na kasalungat sa kaburulan ng Adummim, na nasa katimugang bahagi ng ilog. Pagkatapos ang hangganan na dinaanan sa mga bukal ng En Shemes at papuntang En Rogel.
8Pagkatapos ang hangganang paahon sa lambak ng Ben Hinnom patungo sa bahaging timog ng lungsod ng Jebuseo (iyon ay, Jerusalem). Pagkatapos paahon ito sa tuktok ng kaburulan na nasa lambak ng Hinnom, sa kanluran, na nasa dulo ng hilagang parte ng lambak ng Rephaim.
9Pagkatapos umabot sa hangganan mula sa tuktok ng mga burol papunta sa bukal ng Neptoa, at lumabas mula doon papunta sa mga lungsod ng Bundok Efron. Pagkatapos lumiko ang hangganan paikot sa Baala (pareho sa Kiriat Jearim).
10Pagkatapos umikot ang hangganan sa kanluran ng Baala sa Bundok Seir, at dumaan sa gilid ng Bundok Jearim sa Hilaga (pareho sa Kesalon), bumaba sa Beth Shemes, at dumaan sa Timna.

Read Joshua 15Joshua 15
Compare Joshua 15:4-10Joshua 15:4-10