Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 13

Joshua 13:6-21

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
6Gayon din, lahat ng mga naninirahan sa maburol na lupain mula sa Lebanon hanggang sa Misrepot Maim, kabilang ang buong bayan ng Sidon. Itataboy ko sila sa harapan ng mga hukbo ng Israel. Tiyaking italaga ang lupain sa Israel bilang isang pamana, ayon sa inutos ko sa iyo.
7Hatiin ang lupaing ito bilang isang pamana para sa siyam na lipi at para sa kalahating lipi ni Manases.”
8Kasama ang ibang kalahating lipi ni Manases, ang mga Rubenita at ang mga Gadita ay nakatanggap ng kanilang mga mana na ibinigay ni Moises sa kanila sa bandang silangan ng Jordan,
9mula sa Aroer, na nasa gilid ng bangin sa ilog Arnon (kabilang ang lungsod na nasa gitna ng bangin), sa lahat ng kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon;
10lahat ng mga lungsod ng Sihon, hari ng mga Amoreo, na namuno sa Hesbon, sa hangganan ng mga Ammonita;
11Galaad, at ang rehiyon ng mga Gesurita at mga Maacateo, buong Bundok Hermon, buong Basan hanggang Saleca;
12ang buong kaharian ng Og sa Basan, na naghari sa Astarot at Edrei—ito ang mga naiwan sa labi ng Rephaim—sinalakay sila ni Moises gamit ang espada at itinaboy sila.
13Pero hindi pinalayas ng bayan ng Israel ang mga Gesurita o ang mga Maacateo. Sa halip, nanirahan ang Gesur at Maacat sa Israel hanggang sa araw na ito.
14Ang lipi lamang ni Levi ang hindi binigyan ni Moises ng pamana. “Ang mga handog kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, gumawa sa pamamagitan ng apoy,” ang kanilang pamana, tulad ng sinabi ng Diyos kay Moises.
15Binigyan ni Moises ng isang pamana ang lipi ni Ruben, angkan sa angkan.
16Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Aroer, sa gilid ng bangin ng Ilog Arnon, at ang lungsod na nasa gitna ng lambak, at buong kapatagan sa Medeba.
17Tinanggap din ni Ruben ang Hesbon, at ang lahat ng mga lungsod nito na nasa kapatagan, Dibon, at Bamoth Baal, at Beth Baalmeon,
18at Jahaz, at Kademot, at Mepaat,
19at Kiriataim, at Sibma, at Zeretsahar sa burol ng lambak.
20Tinanggap din ni Ruben ang Beth Peor, ang mga libis ng Pisga, Beth Jeshimot,
21lahat ng mga lungsod ng kapatagan, at ang buong kaharian ni Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghari sa Hesbon, na magkasamang tinalo ni Moises kasama ang mga pinuno ng Midian, Evi, Rekem, Zur, Hur at Reba, ang mga prinsipe ni Sihon, na nanirahan sa lupain.

Read Joshua 13Joshua 13
Compare Joshua 13:6-21Joshua 13:6-21