7Dumating si Josue at lahat ng mga lalaking mandirigma. Dumating silang bigla sa mga tubig ng Merom, at nilusob ang mga kaaway.
8Ibinigay ni Yahweh ang kaaway sa kamay ng Israel, at sinaksak nila sila ng espada at hinabol sila sa Sidon, Misrepot Maim, at sa lambak ng Mispa sa silangan. Sinalakay nila sila gamit ang espada hanggang walang nakaligtas sa kanila ang natira.
9Ginawa ni Josue sa kanila gaya ng sinabi sa kaniya ni Yahweh. Pinilayan niya ang mga kabayo at sinunog ang mga karwahe.
10Bumalik si Josue sa oras na iyon at binihag ang Hazor. Sinaksak niya ang hari gamit ang espada. (Naging pinuno ang Hazor ng lahat ng mga kahariang ito.)
11Sinalakay nila gamit ang espada ang lahat ng buhay na nilalang ang naroroon, at hiniwalay niya sila para wasakin, kaya walang buhay na nilalang ang natirang buhay. Pagkatapos sinunog niya ang Hazor.
12Binihag ni Josue lahat ng mga lungsod ng mga haring ito. Binihag din niya ang lahat ng kanilang mga hari at nilusob sila gamit ang espada, gaya ng inutos ni Moises na lingkod ni Yahweh.
13Hindi sinunog ng Israel ang mga lungsod na ginawa sa mga tambak, maliban sa Hazor. Si Josue lamang ang nagsunog nito.
14Kinuha ng hukbo ng Israel ang lahat ng ninakaw mula sa mga lungsod na ito kasama ng mga alagang hayop para sa kanilang mga sarili. Pinatay nila ang bawat tao gamit ang espada hanggang ang lahat ay namatay. Wala silang itinirang buhay na nilalang.
15Gaya ng inutos ni Yahweh sa kianyang lingkod na si Moises, sa parehong paraan, inutos ni Moises kay Josue. At kaya walang iniwan si Josue na hindi tapos sa anumang bagay sa lahat ng inutos na iyon ni Yahweh kay Moises na gawin.