Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 11

Joshua 11:11-18

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
11Sinalakay nila gamit ang espada ang lahat ng buhay na nilalang ang naroroon, at hiniwalay niya sila para wasakin, kaya walang buhay na nilalang ang natirang buhay. Pagkatapos sinunog niya ang Hazor.
12Binihag ni Josue lahat ng mga lungsod ng mga haring ito. Binihag din niya ang lahat ng kanilang mga hari at nilusob sila gamit ang espada, gaya ng inutos ni Moises na lingkod ni Yahweh.
13Hindi sinunog ng Israel ang mga lungsod na ginawa sa mga tambak, maliban sa Hazor. Si Josue lamang ang nagsunog nito.
14Kinuha ng hukbo ng Israel ang lahat ng ninakaw mula sa mga lungsod na ito kasama ng mga alagang hayop para sa kanilang mga sarili. Pinatay nila ang bawat tao gamit ang espada hanggang ang lahat ay namatay. Wala silang itinirang buhay na nilalang.
15Gaya ng inutos ni Yahweh sa kianyang lingkod na si Moises, sa parehong paraan, inutos ni Moises kay Josue. At kaya walang iniwan si Josue na hindi tapos sa anumang bagay sa lahat ng inutos na iyon ni Yahweh kay Moises na gawin.
16Kinuha ni Josue ang lahat ng lupaing iyon, ang maburol na bansa, lahat ng Negev, lahat ng lupain ng Goshen, ang mga mababang burol, ang lambak Ilog Jordan, ang maburol na bansa ng Israel, at ang mga mababang lupain.
17Mula sa Bundok Halak na malapit sa Edom, at papuntang hilaga gaya sa layo ng Baal Gad sa lambak malapit sa Lebanon sa ibaba ng Bundok Hermon, binihag niya lahat ng kanilang mga hari at pinatay sila.
18Nakipaglaban si Josue ng isang mahabang panahon sa lahat ng mga hari.

Read Joshua 11Joshua 11
Compare Joshua 11:11-18Joshua 11:11-18