Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 10

Joshua 10:28-33

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
28Sa ganitong paraan, nasakop ni Josue ang Maceda sa araw na iyon at pinatay ang bawat isa gamit ang espada, kasama ang hari nito. Tuluyan niya silang winasak at bawat nabubuhay na nilalang doon. Wala siyang itinirang mga nakaligtas. Ginawa niya ito sa hari ng Maceda gaya ng ginawa niya sa hari ng Jerico.
29Dumaan si Josue at buong Israel mula sa Maceda patungong Libna. Pumunta siya sa labanan sa Libna.
30Ibinigay din ni Yahweh ito sa kamay ng Israel—kasama ang kanilang hari. Sinalakay ni Josue ang bawat nabubuhay na nilalang sa loob nito gamit ag espada. Wala siyang iniwang nakaligtas na buhay sa loob nito. Ginawa niya sa hari gaya ng ginawa niya sa hari ng Jerico.
31Pagkatapos dumaan si Josue at ang buong Israel mula sa Libna patungong Lachish. Nagkampo siya dito at nakipagdigmaan laban dito.
32Ibinigay ni Yahweh ang Lachish sa kamay ng Israel. Nasakop ni Josue ito ng ikalawang araw. Sinalakay niya gamit ang kaniyang espada bawat nabubuhay na nilalang na nasa loob nito, gaya ng ginawa niya sa Libna.
33Pagkatapos dumating si Horam, hari ng Gezer para tulungan ang Lachish. Sinalakay siya ni Josue at ang kaniyang hukbo hanggang walang nakaligtas na naiwan.

Read Joshua 10Joshua 10
Compare Joshua 10:28-33Joshua 10:28-33