Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 10

Joshua 10:21-30

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
21Pagkatapos bumalik ang buong hukbo ng mapayapa kay Josue sa mga kampo sa Maceda. At walang sinuman ang nangahas magsalita ng isang salita laban sa sinumang bayan ng Israel.
22Pagkatapos sinabi ni Josue, “Buksan ang bukana ng kuweba at mula sa kuweba dalhin sa akin ang limang haring ito.”
23Ginawa nila gaya ng sinabi niya. Dinala nila sa kaniya ang limang hari mula sa kuweba—ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Hebron, ang hari ng Jarmuth, ang hari ng Lachish, at ang hari ng Eglon.
24At nang dinala nila ang mga hari kay Josue, ipinatawag niya ang bawat kalalakihan ng Israel, at sinabi niya sa mga pinuno ng mga sundalo na nakasama niya sa labanan, “Ilagay ninyo ang inyong mga paa sa kanilang mga leeg.” Kaya lumapit sila at inilagay ang kanilang mga paa sa kanilang mga leeg.
25Pagkatapos sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong matakot at huwag kayong mabagabag. Maging malakas at matapang. Ito ang gagawin ni Yahweh sa lahat ng inyong mga kaaway na kakalabanin ninyo.”
26Pagkatapos sinalakay at pinatay ni Josue ang mga hari. Ibinitin niya sila sa ibabaw ng limang puno. Nakabitin sila sa mga puno hanggang gabi.
27Nang palubog na ang araw, nagbigay ng mga utos si Josue, at ibinaba sila mula sa mga puno at inihagis sila sa loob ng kuweba kung saan sila nagtago. Nilagyan nila ng malalaking bato ang bukana ng kuweba. Ang mga batong iyon nanatili pa rin hanggang sa araw na ito.
28Sa ganitong paraan, nasakop ni Josue ang Maceda sa araw na iyon at pinatay ang bawat isa gamit ang espada, kasama ang hari nito. Tuluyan niya silang winasak at bawat nabubuhay na nilalang doon. Wala siyang itinirang mga nakaligtas. Ginawa niya ito sa hari ng Maceda gaya ng ginawa niya sa hari ng Jerico.
29Dumaan si Josue at buong Israel mula sa Maceda patungong Libna. Pumunta siya sa labanan sa Libna.
30Ibinigay din ni Yahweh ito sa kamay ng Israel—kasama ang kanilang hari. Sinalakay ni Josue ang bawat nabubuhay na nilalang sa loob nito gamit ag espada. Wala siyang iniwang nakaligtas na buhay sa loob nito. Ginawa niya sa hari gaya ng ginawa niya sa hari ng Jerico.

Read Joshua 10Joshua 10
Compare Joshua 10:21-30Joshua 10:21-30