9Paanong mas mabuti ang iyong minamahal kaysa sa ibang lalaking minamahal, ikaw na maganda sa lahat ng mga babae? Bakit mas higit ang iyong minamahal kaysa sa ibang minamahal, na hiniling mo sa amin para manumpa tulad nito? Ang dalaga ay nagsasalita sa mga kababaihan ng lungsod
10Ang aking minamahal ay nagniningning at mamula-mula, namumukod tangi sa kalagitnaan ng sampung libo.
11Ang kaniyang ulo ay ang pinakadalisay na ginto; kulot ang kaniyang buhok at kasing itim ng isang uwak.
12Ang kaniyang mga mata ay katulad ng mga kalapati sa tabi ng mga dumadaloy na tubig, hinugasan sa gatas, ikinabit katulad ng mga hiyas.
13Ang kaniyang mga pisngi ay katulad ng mga nakatainim na mga sangkap ng pabango, nagbibigay ng mabangong mga amoy. Ang kaniyang labi ay mga liryo, tumutulong mira.
14Ang kaniyang mga bisig ay mabilog na ginto na may nakalagay na mga hiyas; ang kaniyang tiyan ay nabalutan ng garing na may mga sapiro.
15Ang kaniyang mga binti ay mga poste na marmol, nakalagay sa mga patungan ng dalisay na ginto; ang kaniyang mukha ay katulad ng Lebanon, pinili gaya ng mga cedar