Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Awit ni Solomon - Awit ni Solomon 5

Awit ni Solomon 5:8-13

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
8Nais ko kayong mangako, mga anak na babae ng Jerusalem, na kung makikita ninyo ang aking minamahal, sabihin ninyo sa kaniya ako ay may sakit dahil sa aking pag-ibig sa kaniya. Ang mga kababaihan ng lungsod ay nagsasalita sa dalaga.
9Paanong mas mabuti ang iyong minamahal kaysa sa ibang lalaking minamahal, ikaw na maganda sa lahat ng mga babae? Bakit mas higit ang iyong minamahal kaysa sa ibang minamahal, na hiniling mo sa amin para manumpa tulad nito? Ang dalaga ay nagsasalita sa mga kababaihan ng lungsod
10Ang aking minamahal ay nagniningning at mamula-mula, namumukod tangi sa kalagitnaan ng sampung libo.
11Ang kaniyang ulo ay ang pinakadalisay na ginto; kulot ang kaniyang buhok at kasing itim ng isang uwak.
12Ang kaniyang mga mata ay katulad ng mga kalapati sa tabi ng mga dumadaloy na tubig, hinugasan sa gatas, ikinabit katulad ng mga hiyas.
13Ang kaniyang mga pisngi ay katulad ng mga nakatainim na mga sangkap ng pabango, nagbibigay ng mabangong mga amoy. Ang kaniyang labi ay mga liryo, tumutulong mira.

Read Awit ni Solomon 5Awit ni Solomon 5
Compare Awit ni Solomon 5:8-13Awit ni Solomon 5:8-13