2Ang lahat ng tao ay may parehong kapalaran. Parehong kapalaran ang naghihintay sa mga matuwid na tao at makasalanan, mabuting mga tao at masama, ang malinis at marumi, at ang nag-aalay at ang hindi nag-aalay. Tulad ng pagkamatay ng mabubuting tao, ganoon din ang makasalanan. Tulad ng pagkamatay ng nanunumpa, ganoon din ang taong takot gumawa ng panunumpa.
3Mayroong masamang kapalaran para sa lahat ng ginawa sa ilalim ng araw, isang tadhana para sa lahat ng tao. Ang mga puso ng tao ay puno ng kasamaan, at kahibangan ay nasa kanilang mga puso habang sila ay nabubuhay. Kaya pagkatapos noon, pumupunta sila sa mga patay.
4Dahil mayroon pang pag-asa para sa nabubuhay, katulad ng buhay na aso na mas maigi pa kaysa sa patay na leon.
5Dahil alam ng mga nabubuhay na tao na mamamatay sila, ngunit walang alam ang mga patay. Wala na silang gantimpala dahil ang kanilang alaala ay nakalimutan na.
6Ang kanilang pag-ibig, pagkamuhi, at inggit ay matagal nang naglaho. Hindi na sila magkakaroon ng lugar sa anumang bagay na ginawa sa ilalim ng araw.
7Humayo ka, masaya mong kainin ang tinapay mo, at inumin ang alak mo nang may masayang puso, dahil pinapayagan ng Diyos ang pagdiriwang ng mga mabubuting gawa.
8Lagi mong panatilihing puti ang iyong mga damit at ang iyong ulo ay pinahiran ng langis.
9Masaya kang mamuhay kasama ang iniibig mong asawa sa lahat ng araw ng buhay mo nang walang pakinabang, ang mga araw na ibinigay sa iyo ng Diyos sa ilalim ng araw sa mga araw nang walang pakinabang. Iyon ang gantimpala ng buhay mo para sa ginawa mo sa ilalim ng araw.