14Kapag mabuti ang mga panahon, masayang mamuhay sa kabutihang iyon, ngunit kapag masama ang mga panahon, pag-isipan ito: ipinahintulot ng Diyos na magkatabing mamalagi ang dalawang ito. Sa kadahilanang ito, walang isa man ang makakaalam ng anumang bagay na darating sa kaniya.
15Nakita ko ang maraming bagay sa aking walang kahulugang mga panahon. Mayroong mga matuwid na taong naglalaho sa kabila ng kanilang pagkamakatuwiran, at mayroong masasamang taong nabubuhay nang mahabang buhay kahit na sila ay masama.
16Huwag maging mapagmatuwid sa sarili, matalino sa iyong sariling mga mata. Bakit dapat mong sirain ang iyong sarili?
17Huwag maging napakasama o mangmang. Bakit dapat kang mamatay ng wala pa sa iyong oras?
18Makakabuti na iyong panghahawakan ang karunungang ito, at huwag nang ilalayo ang iyong mga kamay sa katuwiran. Dahil ang taong may takot sa Diyos ay makatutupad sa lahat ng kaniyang mga tungkulin.