10Nakita ko na ang gawain na ibinigay ng Diyos sa tao para tapusin.
11Ginawang angkop ng Diyos ang lahat ng bagay para sa bawat panahon. Inilagay din niya ang kawalang hanggan sa kanilang mga puso. Ngunit hindi nauunawaan ng sangkatauhan ang mga gawang ginawa ng Diyos, mula sa simula hanggang sa wakas.
12Alam ko na walang mabuti sa isang tao maliban sa magsaya at gumawa nang kabutihan habang siya ay nabubuhay—
13at ang bawat isa ay dapat kumain at uminom, at dapat maunawaan kung paano matuwa sa kabutihang nagmumula sa lahat ng kanyang ginawa. Ito ay isang kaloob mula sa Diyos.
14Alam ko na anuman ang ginawa ng Diyos ay magtatagal magpakailanman. Walang maaaring maidagdag pa o maalis, dahil ang Diyos ang siyang gumawa dito upang lumapit ang mga tao sa kaniya nang may karangalan.
15Anuman ang nangyayari ay nangyari na; anuman ang mangyayari pa ay nangyari na. Hinahayaan ng Diyos na hanapin ng tao ang mga nakatagong bagay.
16At nakita ko sa ilalim ng araw na kasamaan ang nangyayari kung saan dapat naroon ang katarungan, at sa lugar nang katuwiran, kasamaan ay madalas matagpuan.
17Sinabi ko sa aking puso, “Hahatulan ng Diyos ang matuwid at ang masama sa tamang panahon sa bawat bagay at sa bawat ginawa.
18Sinabi ko sa aking puso, “Sinusubok ng Diyos ang tao para ipakita sa kanila na sila ay tulad ng mga hayop.
19Dahil parehong kapalaran ang nagaganap sa mga tao na nagaganap sa mga hayop. Katulad ng mga hayop, ang mga tao ay lahat namamatay. Lahat sila ay dapat ihinga ang parehong hangin, upang sa gayong paraan ang mga tao ay walang kalamangan sa mga hayop. Hindi ba ang lahat ng bagay ay isang mabilis na paghinga lamang.
20Lahat ng bagay ay mapupunta sa iisang lugar. Lahat ng bagay ay nagmula sa alabok, at lahat ng bagay ay nagbabalik sa alabok.
21Sinong nakakaalam kung ang kaluluwa ng mga tao ay mapupunta paitaas at ang kaluluwa ng mga hayop ay mapupunta sa lupa?