11Kung ang ahas ay nanuklaw bago pa ito mapaamo, walang kalamangan para sa nang-aamo.
12Magiliw ang mga salita ng bibig ng matalinong tao, ngunit nilululon ang mangmang ng kaniyang sariling mga labi.
13Sa pag-agos ng mga salita mula sa bibig ng mangmang, ang kamangmangan ay lumalabas, at sa huli umaagos sa bibig niya ang masamang kahibangan.
14Pinaparami ng mangmang ang mga salita, ngunit walang nakakaalam kung ano ang paparating. Sino ang nakaaalam kung ano ang parating pagkatapos niya?
15Pinapagod ng mga mabibigat na gawain ang mga mangmang, kaya hindi man lang nila alam ang daan papuntang bayan.
16Mayroong gulo sa inyong lupain kapag bata pa ang inyong hari, at ang mga pinuno ninyo ay magdiriwang sa umaga!