Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 4

1 Mga Hari 4:27-34

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
27Ang mga opisyal na iyon ay nagbigay ng pagkain para kay Haring Solomon at para sa lahat ng pumunta sa hapag-kainan ni Haring Solomon, bawat lalaki sa kanyang buwan. Hindi nila hinahayaang magkaroon ng pagkukulang.
28Sila rin ay nagdala sa tamang lugar ng senada at dayami para sa mga kabayong pangkarwahe at sinasakyan, bawat isa nagdadala kung ano ang kaniyang nakayanan.
29Binigyan ng Diyos si Solomon ng kahanga-hangang karunungan at pag-unawa, at malawak na pag-unawa gaya ng mga buhangin sa dalampasigan.
30Ang karunungan ni Solomon ay higit pa sa karunungan ng lahat ng bayan ng silangan at sa lahat ng karunungan ng Ehipto.
31Mas matalino pa siya kaysa sinumang tao-kaysa kay Etan na Ezrahita, Heman, Calcol, at Darda, mga anak na lalaki ni Machol-at ang kaniyang katanyagan ay umabot sa lahat ng nakapaligid na mga bansa.
32Siya ay nagsasalita ng tatlong libong kawikaan, at ang kaniyang mga awit ay isang libo't lima ang bilang.
33Isinalarawan niya ang mga halaman, mula sa sedar na nasa Lebanon hanggang sa hisopong tumutubo sa pader. Pinaliwanag niya rin ang tungkol sa mga hayop, mga ibon, mga bagay na gumagapang, at isda.
34Dumating ang mga taong galing sa lahat ng mga bansa para pakinggan ang karunungan ni Solomon, pinadala mula sa mga hari ng daigdig na nakarinig ng kaniyang karunungan.

Read 1 Mga Hari 41 Mga Hari 4
Compare 1 Mga Hari 4:27-341 Mga Hari 4:27-34