Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 4

1 Mga Hari 4:11-28

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
11Si Ben-abinadab, para sa lahat ng distrito ng Dor (asawa niya si Tafath, ang anak na babae ni Solomon);
12Si Baana, anak ni Ahilud, para sa Taanac at Megido, at ang buong Beth-sean na nasa tabi ng Zaretan sa ibaba ng Jezreel, mula sa Beth-sean hanggang sa Abel-mehola kasing layo ng kabilang bahagi ng Jokmeam;
13Si Ben-geber ang sa Ramot-Gilead. (sa kaniyang pag-aari ang mga bayan ni Jair, anak ni Manases, na nasa Galaad, at ang rehiyon ng Argob ay pag-aari niya, na nasa Bashan, animnapung malalaking mga lungsod na may mga pader at mga tansong rehas na tarangkahan);
14Si Ahinadab na anak ni Iddo para sa Mahanaim;
15Si Ahimaaz, para sa Neftali (pinakasalan niya rin si Basemat na anak na babae ni Solomon);
16Si Baana na anak ni Husai, para sa Asher at Alot, at
17si Jehoshafat na anak ni Parua, para sa Isacar;
18Si Simei, anak ni Ela, para sa Benjamin;
19at si Geber, anak ni Uri, para sa lupain ng Galaad, ang bayan ni Sihon, hari ng mga Amoreo at ni Og, hari ng Bashan, at siya lamang ang opisyal na nasa lupain.
20Kasing dami ng buhangin sa tabing-dagat ang Juda at Israel. Sila ay kumakain at umiinum at masasaya.
21Naghari si Solomon sa buong kaharian mula sa Ilog hanggang sa lupain ng mga Filisteo at sa hangganan ng Ehipto. Nagdala sila ng parangal at naglingkod kay Solomon sa buong buhay niya.
22Ang pangangailangan ni Solomon para sa isang araw ay tatlumpung kor ng pinong harina at animnapung kor ng pagkain,
23sampung matatabang baka, dalawampung baka galing sa pastulan, at isang daang tupa, bukod pa sa usa, mga gasel, mga usang lalaki at mga pinatabang ibon.
24Dahil siya ang may kapangyarihan sa buong rehiyon sa bahagi ng Ilog, mula sa Tifsa hanggang sa Gaza, sa lahat ng mga hari dito sa bahagi ng Ilog, at siya ay may kapayapaan sa lahat ng panig ng nakapaligid sa kanya.
25Ang Juda at Israel ay namuhay sa kaligtasan, bawat lalaki nasa ilalim ng kaniyang puno ng ubas at ilalim ng kaniyang punong igos, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, sa buong buhay ni Solomon.
26Si Solomon ay may apatnapung libong kuwadra ng kabayo para sa kanyang mga karwahe, at labingdalawang libong mangangabayo.
27Ang mga opisyal na iyon ay nagbigay ng pagkain para kay Haring Solomon at para sa lahat ng pumunta sa hapag-kainan ni Haring Solomon, bawat lalaki sa kanyang buwan. Hindi nila hinahayaang magkaroon ng pagkukulang.
28Sila rin ay nagdala sa tamang lugar ng senada at dayami para sa mga kabayong pangkarwahe at sinasakyan, bawat isa nagdadala kung ano ang kaniyang nakayanan.

Read 1 Mga Hari 41 Mga Hari 4
Compare 1 Mga Hari 4:11-281 Mga Hari 4:11-28