Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 15

1 Mga Hari 15:26-31

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
26Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yahweh at sumunod sa yapak ng kaniyang ama, at sa kaniyang sariling kasalanan, na humikayat sa buong Israel para magkasala.
27Nagplano ng pagtataksil laban kay Nadab si Baasa na anak ni Ahias na mula sa pamilya ni Isacar,; pinatay siya ni Baasa sa Gibeton, na sakop ng Filisteo, dahil sina Nadab at ang buong Israel ay lumusob sa Gibeton.
28Sa ikatlong taon ni haring Asa ng Juda, pinatay ni Baasa si Nadab at naging hari kapalit niya.
29At nang siya ay naging hari, pinatay ni Baasa ang lahat ng pamilya ni Jeroboam. Wala siyang iniwang humihinga sa mga kaapu-apuhan ni Jeroboam; sinira niya ang lipi ng mga hari sa paraang ito, ayon sa sinabi ni Yahweh kay Ahias ang taga-Shilo na kaniyang lingkod,
30para sa mga kasalanan ni Jeroboam at ang kaniyang pangunguna sa buong Israel sa pagkakasala dahil ginalit niya si Yahweh, ang Diyos ng Israel.
31At sa iba pang mga bagay tungkol kay Nadab, ang kaniyang mga nagawa, hindi ba ito nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?

Read 1 Mga Hari 151 Mga Hari 15
Compare 1 Mga Hari 15:26-311 Mga Hari 15:26-31