39Paano makakadaing ang sinumang taong nabubuhay? Paaano makakadaing ang sinumang tao tungkol sa kaparusahan ng kaniyang mga kasalanan?
40Siyasatin at suriin natin ang ating mga pamamaraan, at muling manumbalik kay Yahweh.
41Itaas natin ang ating mga puso at mga kamay sa Diyos sa kalangitan at manalangin:
42“Laban sa iyo kami ay nagkasala at naghimagsik, kaya kami ay hindi mo pinatawad.
43Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol kami. Pinagpapatay mo kami, at hindi mo kami kinahabagan.
44Tinakpan mo ang iyong sarili ng ulap, upang walang panalangin ang makakalampas.
45Ginawa mo kaming mga taong itinakwil at dumi sa iba't ibang mga lahi.
46Ibinuka ng lahat ng aming mga kaaway ang kanilang bibig nang may pangungutya laban sa amin.
47Dumating sa amin ang takot sa hukay, pagkasira at pagkaluray.”
48Umaagos ng daloy ng tubig ang mata ko dahil sa pagkaluray ng anak na babae ng mga kababayan ko.
49Umaagos ang mga mata ko, at hindi tumitigil ang mga ito, sapagkat wala itong katapusan
50hanggang sa tumunghay at tumingin si Yahweh mula sa kalangitan.
51Nagbibigay ng matinding sakit sa aking buhay ang mata ko dahil sa lahat ng mga anak na babae sa lungsod ko.
52Walang tigil akong tinutugis tulad ng isang ibon ng aking mga kaaway nang walang dahilan.
53Sinira nila sa balon ang buhay ko at sa ibabaw ko ay naglagay ng isang bato.
54Dumaloy ang tubig sa aking ulo, sinabi ko, “Nilagot ako!”
55Tinawag ko ang iyong pangalan, Yahweh, mula sa pinakamababang hukay.
56Narinig mo ang aking tinig nang sinabi ko, “Huwag mong itago ang iyong tainga sa aking pagtawag ng tulong, sa aking pagsigaw ng saklolo!
57Lumapit ka sa araw na tinawag kita, sinabi mo sa akin, “Huwag kang mangamba!”
58Panginoon, ipinagtanggol mo ako nang ako ay nasa paglilitis para sa buhay ko, iniligtas mo ang buhay ko!
59Yahweh, nakita mo ang kanilang pang-aapi sa akin. Hatulan mo nang makatarungan ang aking usapin.