39Bakit dumadaing ang taong may buhay, ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan?
40Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon.
41Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit.
42Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad.
43Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa.
44Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin.
45Iyong ginawa kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan.
46Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.
47Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba.
48Ang mata ko'y dumadaloy ng mga ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.
49Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan.
50Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit.
51Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan.
52Lubha nila akong hinahabol na parang ibon, na mga kaaway kong walang kadahilanan.
53Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato.
54Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay.
55Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay.
56Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing.
57Ikaw ay lumapit sa araw na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot.
58Oh Panginoon, iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa; iyong tinubos ang aking buhay.
59Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; hatulan mo ang aking usap.