Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 6

Mga Kawikaan 6:1-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Anak ko, kung ikaw ay naging mananagot sa iyong kapuwa, kung iyong ikinamay ang iyong kamay sa di kilala,
2Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong bibig, ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig.
3Gawin mo ito ngayon, anak ko, at lumigtas ka, yamang ikaw ay nahulog sa kamay ng iyong kapuwa: yumaon ka, magpakababa ka, at mangayupapa ka sa iyong kapuwa.
4Huwag mong bigyan ng tulog ang iyong mga mata. O magpaidlip man sa iyong mga talukap-mata.
5Lumigtas ka na parang usa sa kamay ng mangangaso, at parang ibon sa kamay ng mamimitag.
6Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:
7Na bagaman walang pangulo, tagapamahala, o pinuno,
8Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit, at pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.
9Hanggang kailan matutulog ka, Oh tamad? Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog?

Read Mga Kawikaan 6Mga Kawikaan 6
Compare Mga Kawikaan 6:1-9Mga Kawikaan 6:1-9