Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 22

Mga Kawikaan 22:22-27

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
22Huwag kang magnakaw sa dukha, sapagka't siya'y dukha, ni pumighati man sa nagdadalamhati sa pintuang-bayan:
23Sapagka't ipakikipaglaban ng Panginoon ang kanilang usap, at sasamsaman ng buhay yaong nagsisisamsam sa kanila.
24Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama:
25Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad, at magtamo ng silo sa iyong kaluluwa.
26Huwag kang maging isa sa kanila na nakikikamay, o sa kanila na mangananagot sa mga utang:
27Kung wala kang ikabayad, bakit kaniyang kukunin sa iyo ang iyong higaan?

Read Mga Kawikaan 22Mga Kawikaan 22
Compare Mga Kawikaan 22:22-27Mga Kawikaan 22:22-27