Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 6

Mga Hukom 6:12-25

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
12Ang anghel ni Yahweh ay nagpakita sa kaniya at sinabi sa kaniya, “Si Yahweh ay kasama mo, ikaw na malakas na mandirigma!”
13Sinabi ni Gideon sa kaniya, “O, aking panginoon, kung si Yahweh ay kasama namin, bakit nagyayari ang lahat ng ito sa amin? Nasaan na ang lahat ng kaniyang mga dakilang gawa na sinabi sa amin ng aming mga ama, nang sinabi nilang, 'Hindi ba si Yahweh ang nag-alis sa atin mula sa Ehipto?' Pero ngayon pinabayaan kami at ibinigay kami ni Yahweh sa kapangyarihan ng Midian.”
14Tumingin si Yahweh sa kaniya at sinabing, “Pumunta ka sa lakas na mayroon ka. Iligtas ang Israel mula sa kapangyarihan ng mga Midianita. Hindi kita ipinadala?”
15Sinabi ni Gideon sa kaniya, “Pakiusap, Panginoon, paano ko maliligtas ang Israel? Tingnan mo, ang aking pamilya ang pinakamahina sa Manases, at ako ang pinaka hindi mahalaga sa sambahayan ng aking ama.”
16Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Ako ay sasama sa iyo, at iyong matatalo ang buong hukbo ng Midianita.”
17Sinabi ni Gideon sa kaniya, “Kung ikaw ay nasisiyahan sa akin, kung gayon bigyan mo ako ng isang palatandaan na ikaw ang siyang nakikipag-usap sa akin.
18Pakiusap, huwag kang umalis dito, hanggang ako ay pumunta sa iyo at mag-dala ng aking handog at inilagay ito sa harapan mo.” Sinabi ni Yahweh, “Ako ay maghihintay hanggang ikaw ay makabalik.”
19Pumunta si Gideon at nag-handa ng isang batang kambing at mula sa isang epha ng harina gumawa siya ng tinapay na walang lebadura. Nilagay niya ang karne sa isang basket, at nilagay niya ang sabaw sa isang palayok at dinala ang mga ito sa kaniya sa ilalim ng punong igos, at inihandog ang mga ito.
20Sinabi ng anghel ng Diyos sa kaniya, “Dalhin ang karne at ang tinapay na walang lebadura at ilagay ang mga ito sa batong ito, at ibuhos ang sabaw sa ibabaw ng mga ito.” At ginawa iyon ni Gideon.
21Pagkatapos ang anghel ni Yahweh ay iniabot ang dulo ng tungkod na nasa kaniyang kamay. Sa pamamagitan nito dinampian ang laman at ang tinapay na walang lebadura; lumabas ang isang apoy mula sa bato at tinupok ang karne at ang tinapay na walang lebadura. Pagkatapos ang anghel ni Yahweh ay umalis palayo at hindi na siya makita ni Gideon.
22Naintindihan ni Gideon na ito ang anghel ni Yahweh. Sinabi ni Gideon, “O, Panginoong Yahweh, Dahil nakita ko ang anghel ni Yahweh na mukha sa mukha!”
23Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Sa iyo ang kapayapaan! Huwag kang matakot, hindi ka mamamatay.”
24Kaya gumawa doon si Gideon ng isang altar para kay Yahweh. Tinawag niya itong, “Si Yahweh ay Kapayapaan.” Hanggang sa araw na ito nakatayo parin ito sa Ofra ng lahing Abiezrita.
25Nang gabing iyon sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Kunin ang toro ng iyong ama, at ang pangalawang toro na labimpitung taong gulang, at tanggalin ang altar ni Baal na pag-aari ng iyong ama, at putulin ang Asera na nasa tabi nito.

Read Mga Hukom 6Mga Hukom 6
Compare Mga Hukom 6:12-25Mga Hukom 6:12-25