Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 20

Mga Hukom 20:15-27

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Sama-samang dinala ang mga tao ni Benjamin mula sa kanilang mga lungsod para lumaban sa araw na iyon na 26, 000 sundalo ang tinuruang lumaban gamit ang espada; karagdagan sa bilang na iyon ay pitong daan ng kanilang piniling kalalakihan na mula sa mga naninirahan ng Gibea.
16Kabilang sa lahat ng mga sundalo ay pitong daang piniling kalalakihan na mga kaliwete. Bawat isa sa kanila ay kayang tumirador ng isang bato sa isang hibla ng buhok at hindi papalya.
17Ang mga sundalo ng Israel, hindi kasama ang bilang mula kay Benjamin, umabot sa 400, 000 kalalakihan, na tinuruang lumaban gamit ang espada. Ang lahat sa kanila ay mga lalaking mandirigma.
18Bumangon ang bayan ng Israel, pumunta ng Bethel, at humingi ng payo mula sa Diyos. Hiniling nila, “Sino ang unang sasalakay sa mga tao ng Benjamin para sa amin?” Sinabi ni Yahweh, “Unang sasalakay ang Juda.”
19Bumabangon ang bayan ng Israel sa umaga at, nakaharap sa Gibea, naghanda sila para sa labanan.
20Lumabas ang bayan ng Israel para lumaban sa pangkat ng Benjamin. Inihanay nila ang kanilang pwestong pandigma laban sa kanila sa Gibea.
21Lumabas ang mga tao ng Benjamin mula sa Gibea, at nakapatay sila ng dalawampu't dalawang libong kalalakihan nag hukbo ng Israel sa araw na iyon.
22Pero pinatatag ng bayan ng Israel ang kanilang mga sarili, at binuo nila ang hanay pangdigma sa parehong lugar kung saan sila nakahany nang unang araw.
23At umakyat ang bayan ng Israel at sila ay umiyak sa harap ni Yahweh hanggang gabi. At humingi sila ng gabay mula kay Yahweh: “Dapat ba kaming bumalik muli para lumaban sa aming mga kapatid, ang mga tao ng Banjamin?” At sinabi ni Yahweh, “Lusubin sila!”
24Kaya pumunta ang bayan ng Israel laban sa mga sundalo ng Benjamin sa pangalawang araw.
25Sa panagalawang araw, lumabas ang Benjamin laban sa kanila mula Gibea at pinatay nila ang18, 000 kalalakihan mula sa bayan ng Israel. Lahat ay kalalakihan na tinuruang lumaban gamit ang espada.
26Pagkatapos ang lahat mga sundalo ng Israel at lahat ng mga tao ay pumunta ng Bethel at umiyak, at doon sila ay umupo sa harapan ni Yahweh at sila ay nag-ayuno sa araw na iyon hanggang gabi at nag handog ng mga handog na susunugin at mga handog pangkapayapaan sa harapan ni Yahweh.
27Tinanong ng bayana ng Israel si Yahweh—dahil ang kaban ng tipan ng Diyos ay naroon sa mga araw na iyon,

Read Mga Hukom 20Mga Hukom 20
Compare Mga Hukom 20:15-27Mga Hukom 20:15-27