Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 11

Mga Hukom 11:5-37

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Nang nakipagdigmaan ang mga tao sa Ammon laban sa Israel, pumunta ang mga nakatatanda ng Galaad kay Jefta para dalhin siya pabalik mula sa lupain ng Tob.
6Sinabi nila kay Jefta, “Sumama ka at maging aming pinuno para lumaban sa mga tao ng Ammon.”
7Sinabi ni Jefta sa mga pinuno ng Galaad, “Kinasuklaman ninyo ako at pinilit akong umalis sa bahay ng aking ama. Bakit ngayon nandito kayo akin kapag nasa kaguluhan kayo?”
8Sinabi ng mga nakatatanda sa Galaad kay Jefta, “Iyan ang dahilan kung bakit bumalik kam sa iyo ngayon; sumama ka sa amin at labanan natin ang mga tao sa Ammon, at magiging pinuno ka ng lahat na siyang nanirahan ng Galaad.”
9Sinabi ni Jefta sa mga nakatatanda ng Galaad, “Kung dadalhin niyo ako muli ating lugar para makipaglaban sa mga tao sa Ammon, at kung bibigyan tayo ng katagumpayan ni Yahweh laban sa kanila, ako ang magiging pinuno ninyo.”
10Sinabi ng mga nakatatanda ng Galaad kay Jefta, “Nawa'y si Yahweh ang maging saksi sa pagitan natin kung hindi namin gagawin kung ano ang aming sinabi!”
11Kaya pumunta si Jefta sa mga nakatatanda ng Galaad, at ginawa siya ng mga tao na kanilang pinuno at kumander. Nang nasa harapan siya ni Yahweh sa Mizpa, inulit ni Jefta ang lahat ng kaniyang mga ipinangako.
12Pagktapos nagpadala ng mga mensahero si Jefta sa hari ng mga taga-Ammon, na nagsasabing, “Ano itong alitan sa pagitan natin? Bakit kayo ppunta at sapilitang kukunin ang aming lupain?”
13Sumagot ang hari ng mga taga-Ammon sa mga mensahero ni Jefta, “Dahil, nang lumabas ang mga Israelita mula sa Ehipto, kinuha nila ang aking lupain mula sa Arnon sa Jabbok, hanggang sa Jordan. Ngayon ibalik ninyo ang mga lupaing iyon ng mapayapa.”
14Muling ipinadala ni Jefta ang mga mensahero sa hari ng mga tao ng Amon,
15at sinabi niya, “Ito ang pinapasabi ni Jefta: Hindi kinuha ng mga Israelita ang lupain ng Moab at ang lupain ng mga taga-Ammon,
16pero, nang lumabas sila mula sa Ehipto, at nagpunta ang mga Israelita sa ilang patungong Dagat Pula at sa Kadesh,
17Nagpadala ang mga Israelita ng mga mensahero sa hari ng Edom, na nagsasabing, 'Pakiusap pahintulatan kaming tumawid sa inyong lupain,' pero hindi nakinig ang hari ng Edom. Nagpadala rin sila ng mga mensahero sa hari ng Moab, pero tumanggi siya. Kaya nanatili ang mga Israelita sa Kades.
18Pagkatapos pumunta sila sa ilang at lumayo mula sa lupain ng Edom at sa lupain ng Moab, at nagpunta sila sa silangang bahagi ng lupain ng Moab at nagkampo sila sa kabilang bahagi ng Arnon. Pero hindi sila pumunta sa teritoryo ng Moab, dahil ang arnon ay hangganan ng Moab.
19Nagpadala ng mga mensahero ang mga Israelita sa Sihon, sa hari ng mga Amoreo, na namuno sa Hesbon; sinabi sa kaniya ng Israel, 'Pakiusap, pahintulutan kaming kaming tumawid sa inyong lupain papunta sa aming lugar.'
20Pero hindi nagtiwala si Sihon sa Israel para tumawid sa kanyang teritoryo. Kaya tinipon ni Sihon ang lahat ng kanyang hukbo at pumunta sila sa Jahaz, at doon nakipag-away sila laban sa Israel.
21At si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang nagbigay ng katagumapayan sa mga Israelita laban kay Sihon at inilagay ang lahat ng kaniyang mga tao sa ilalim ng kanilang pamumuno. Kaya kinuha ng Israel ang buong lupain ng mga Amoreo, na nanirahan sa bansang iyon.
22Kinuha nila ang lahat ng bagay na nakapaloob sa teritoryo ng mga Amoreo, mula sa Arnon patungong Jabbok, at mula sa ilang hanggang sa Jordan.
23Kaya pagkatapos si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay pinaalis ang mga Amoreo sa harapan sa kaniyang bayan ng Israel, at ngayon dapat ba ninyong angkinin ang kanilang lupain?
24Hindi ninyo kukunin ang lupain ng Cemos, na ibinigay, na inyong diyos? Kaya kung anumang lupain na ibinigay sa atin ni Yahweh, ating kukunin.
25Ngayon mas magaling ba kayo kaysa kay Balac na anak na lalaki ni Zippor, na hari ng Moab? Naglakas-loob ba siyang magkaroon ng pagtatalo sa Israel? Nagdeklara ba siya ng digmaan laban sa kanila?
26Habang nanirahan ang mga Israelita ng tatlong daang taon sa Hesbon at sa mga nayon nito, at sa Aroer at sa mga nayon nito, at sa buong mga lungsod na kabilang sa mga ilog ng Arnon—bakit hindi ninyo kinuha ang mga ito ng panahon na iyon?
27Wala akong ginawang mali sa inyo, pero gumagawa ka ng mali sa akin sa pamamagitan ng pagsalakay sa akin. Si Yahweh, ang hukom, ang magpapasya sa araw na ito sa pagitan ngbayan ng Israel at sa bayan ng Ammon.”
28Pero ang hari ng mga tao ng Ammon ay tinalikuran ang babala na ipinadala sa kaniya ni Jefta.
29Pagkatapos dumating kay Jefta ang Espiritu ni Yahweh, at dumaan siya sa Galaad at Manases, at dumaan sa Mizpa ng Galaad, at mula sa Mizpa ng Galaad kaniyang nadaanan ang mga tao ng Ammon.
30Gumawa si Jefta ng isang panata kay Yahweh at sinabing, “Kung bibigyan mo ako ng tagumpay laban sa mga tao ng Ammon,
31at kung anuman ang lumabas sa mga pintuan ng aking bahay para salubungin ako kapag bumalik ako ng mapayapa mula sa bayan ng Ammon na pag-aari ni Yahweh, at ihahandog ko ito bilang isang sinunog na handog.”
32Kaya dumaan si Jefta sa bayan ng Ammon para makipaglaban sa kanila, at ibinigay sa kaniya ni Yahweh ang tagumpay.
33Sinalakay niya sila at nagdulot na maraming mapatay mula sa Aroer ganoon din sa Minit—dalawampung mga lungsod—at sa Abelqueramim. Kaya ang bayan ng Ammon ay inilagay sa ilalim ng pamumuno ng bayan ng Israel.
34Dumating si Jefta sa kaniyang tahanan sa Mizpa, at doon lumabas ang kaniyang anak na babae para salubungin siya ng mga tamburin na mayroong kasamang sayaw. Siya lamang ang nag-iisa niyang anak, at maliban sa kaniya wala na siyang anak na lalaki ni anak na babae.
35Nang makita niya ang kaniyang anak na babae, pinunit niya ang kaniyang mga damit at sinabi, “O! Aking anak! dinurog mo ako ng kalungkutan, at naging isa ka sa magdudulot sa akin ng sakit! Sapagkat gumawa ako ng isang panata kay Yahweh, at hindi ko na mababawi ang aking panata.”
36Sinabi niya sa kaniya, “Aking ama, gumawa ka ng isang panata kay Yahweh, gawin mo sa akin ang lahat ng iyong ipinangako, dahil si Yahweh ang nagsagawa ng paghihiganti laban sa iyong mga kaaway, ang mga Amoreo.”
37Sinabi niya sa kaniyang ama, “Hayaan ang pangakong ito na maitago para sa akin. Iwan akobng mag-isa sa loob ng dalawang buwan, para ako ay makaalis at bumababa sa mga burol at magdalamhati sa aking pagkabirhen, ako at ang aking mga kasamahan.”

Read Mga Hukom 11Mga Hukom 11
Compare Mga Hukom 11:5-37Mga Hukom 11:5-37